Connect with us

Games

Free mobile game na perfect para sa pamilya!

Published

on

Ano ang isang pamamaraan para maging close at mag-bonding ang isang pamilya o magkakaibigan? Ang isang sagot, maglaro ng mga games!

Malibang at maaliw sa mga mobile apps na ito kasama ang buong pamilya. Kahit magkakalayo dahil sa mga restrictions at lockdowns, sa pamamagitan ng online games, pwede pa rin makipag-halubilo.

At may bonus pa, alam niyo ba na ang paglalaro ng online games ay nakakapag- enchance ng memorya, brain’s speed at concentration! Hindi lang sila masayang laruin, nakakatulong pa sa ating brain development.

Among us

Among Us

Naalaa niyo pa ba ang larong ito? Nag-trending noon ang Among Us dahil sa kakaibang at nakakaaliw na gameplay. Maganda itong laruin kahit magkakalayo kayong magkakaibigan o magpipinsan. Hanapin kung sino sa inyo ang “Impostor” at pag-isipan ng mabuti, baka ma-eject ang kapwa mo crewmate, at pagalingan gumawa ng alibi lalo na kapag ikaw pala yung Imposter. 😏 Trust and betrayal na ito, good luck!

Board Kings: Board Games Blast

Board Kings

Feel the thrill of dice games! Ang Board Kings ang isa sa pinaka-magandang online multiplayer board game na makikita mo sa playstore. Laruin ito kasama ang iyong pamilya, mga kapatid o kaibigan, have a blast, sirain ang kanilang piggy banks at boards at kunin lahat ng kanilang ari-arian, at manalo sa laro! Be the best dice roller at maging master of the board!

Charades App: What am I? (Charades and Mimics)

Charades App

Mahilig ba kayo maglaro ng charades? I-download ang Charades app na ito (then let the acting and guessing begin!) Maraming categories available ang app tulad ng mga palabas, music, at ipa ba! laruin ito sa kahit anong pamamaraan na gusto mo! Tanungin ang iyong mga kapatid o pamilya na bigyan ka ng clues, sumayaw, kumanta o mag-mimes kayo para lang mahulaan kung ano ang nasa noo mo.

Family’s Game Pack

Family's Game Pack

Hinding – hindi na kayo mabo-bored sapagkat ang larong ito ay mayroong 45+ classic games at up to 6 players rin! The ultimate game pack para sa buong pamilya. Lahat ng laro ay playable offline din kaya malalaro niyo ito kahit brownout, siguraduhin nga lamang na may charge ang device ninyo.

Advertisement

UNO!™

Uno

Skip a turn, Reverse, +4 cards! Pamilyar ba? Syempre, ang Uno ay isang classic card game na nakakalibang at lahat makakalaro! Perfect para sa isang di-malilimutang laro kasama ang buong pamilya. Mabuti na lang na may Uno sa playstore, hindi na natin kailangan bumili pa ng deck 😅.

Word Chums

Word Chums

Para sa mga lovers ng anagrams, word builder games o crossword puzzles, Word Chums (takes it to another level) dahil sa mga nakakaaliw na graphics at sounds, mayroon din itong built-in dictionary, patalinuhan at maging malikhain sa paggawa ng mga salita! Subukan ito at sigurado, malilibang ka!

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *