Connect with us

Food

McDo Philippines magkakaroon na ng BTS Meal!🍟

Published

on

Sabay sabay tayong magdiwang ng mga nakamit ngayong taon ng K-Pop Kings na BTS.

Sa pagdiriwang ng kanilang 8th. year anniversary , bibigyan ng McDonald’s Philippines ang ARMY o ang mga BTS fans ng isang espesyal na regalo, at ito ay ang early release ng highly anticipated na BTS Meal!

Ang mga BTS Fans ay maaaring mag reserve ng kanilang slots gamit ang McDonald’s App simula noong Hunyo 13, 2021. Nagbigay din sila ng isa pang pagkakataon sa mga customer na hindi na kapag reserve ngayong araw simula 8:00 AM hanganag 10:00 AM.

Makukuha ng ARMY fans ang kanilang early access sa BTS Meal ngayong Hunyo 17.

McDo-BTS-meal

Ang BTS meal ay mayroong 9-piece o 10 piece Chicken Mc Nuggets, Large World Famous Fries, isang Large Drink at dalawang sauces, ang Sweet Chilli at ang Cajun Sauce. Bukod pa doon, bibigyan din sila ng special paper bag na may tatak ng logo ng sikat na K-pop Kings.

Mga fans, wag mag-alala, magiging available naman ang BTS Meal Nationwide pagdating ng Hunyo 18.

Ano pang hinihintay nyo? magpunta na sa inyong pinaka malapit na McDo outlet para sa masarap na BTS inspired meal.

Advertisement

Sa iba pang balitang BTS, ang “Butter” na kanilang latest song ay nag set ng bagong record sa Billboard’s Hot 100 chart!

Kahapon, inihayag ng Billboard na ang “Butter” ay nag top 1. sa Hot 100 ng tatlong sunod-sunod na Lingo! Na release ang kantang “Butter” noong May 21, at agad itong nag-top 1, at nanatili itong nasa unang position.

Ito ang unang kanta ng BTS na nanatili sa No. 1 sa tatlong magkakasunod na linggo.

Ayon sa Billboard, ang kanilang kanta ay naka kuha ng 15.4 million streams at 138,400 downloads sa US sa buong linggo hanggang Hunyo 10.  Nakakuha rin ito ng 24.6 million radio airplay noong nakaraang linggo.