Connect with us

Facts & Trivia

BAKIT NAGBIBIGAY NG FLOWERS KAPAG VALENTINE’S DAY?

Published

on

Larawan mula kay Pastor Fil Richard G. Yasay

Sabi nila, dalawang okasyon lang nagiging mabenta ang mga bulaklak – tuwing undas at kapag Valentine’s Day. Ito ang dalawang petsa kung kailan pinakaabala ang mga flower shops.

At dahil Pebrero ngayon at buwan ng mga puso, talakayin natin ang mga bulaklak.

Bakit nga ba tayo nagbibigay (o nakatatanggap) ng bulaklak tuwing Valentine’s Day? Ito ang ilan sa mga dahilan:

1. May mga asawa o kasintahan umanong nagagalit kapag hindi nakatatanggap ng bulaklak kapag Valentine’s Day.

2. Ang pagbibigay ng bulaklak ay paraan ng pagpapahayag ng damdamin, ng paghanga, at pagmamahal.

3. Noong unang panahon, kadalasang idinaraos ang mga fertility festivals tuwing buwan ng Pebrero, at ang bulaklak ay isa sa mga simbolo ng fertility.

Sa aming pagtatanong, ang pulang rosas ang pinakamabili, ayon sa mga may-ari ng flowershops sa Kalibo. May mga bumibili ng dose-dosena nito, mayroon din namang mas pinipili ang isang long-stemmed red rose.

Dagdag pa nila, kabilang sa mga in-demand na bulaklak tuwing araw ng mga puso ay ang carnation, sunflowers, at stargazers.

Maliban sa pagbibigay ng bulaklak, kasama rin dito ang mga stuffed toys, mga lobong hugis puso, at tsokolate.

Hindi alintana ng mga nagmamahal ang halaga ng bulalak na kanilang binibili, kahit na kadalasan ay halos dalawang doble na ang patong sa presyo nito.

Pero mga KaTODO, kailangan pa ba nating hintayin ang araw ng mga puso para mag-effort, kumbaga? Para sa taong tunay na nagmamahal, everyday is Valentine’s Day.

Story by: Felmerie J. Sabino and Glesi Lyn T. Sinag

Source:
www.proflowers.com

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *