Connect with us

Facts & Trivia

“LOSYANG vs. FRESH na misis”

Published

on

Nagtataka ka ba kung bakit losyang na ang misis mo habang ang asawa naman ng kumpare mo ay kay ganda at laging nakapustura? Nagtataka ka ba kung bakit yung ibang mga nanay kahit 40 yrs old na eh mukha pa ding dalaga samantalang yung misis mo na 25 yrs old ay mukha ng kwarenta? Pwes, hayaan mong sabihin ko sa’yo ang sikreto.

Sa likod ng bawat magagandang misis ay mayroong mapagmahal na mister. 👨

Hayaan mong isa-isahin ko ang mga bagay na ginagawa ng mga mister kung bakit magaganda pa din ang kanilang mga misis: Read 👇

  1. Tinutulungan nya si misis sa mga gawaing bahay. Sa tuwing maglalaba si misis ay sya ang magsasampay. Sa tuwing magluluto si misis ay sya naman ang maghuhugas. Hindi nya inaasa ang lahat kay misis para hindi ito mahaggard. ✔
  2. Inuuna nya ang pamilya at hindi ang barkada. Umiiwas na sya sa mga biglaang inuman para hindi na mastress si misis.
  3. He always finds time para ma-date si misis kahit simple lang. Tinatrato nya si misis na parang nasa dating-stage pa lang sila. He always makes way para kiligin si misis. 🌹
  4. Sinusuportahan nya si misis sa mga pangarap nito sa buhay. Hindi sya possessive at hinahayaan nya si misis na magprogress sa career nito.
  5. Hinahayaan nyang magkaroon ng “me” time si misis at sya ang nagtetake over sa mga bata. Ito ay para makapagpahinga si misis mula sa mga gawaing bahay maging sa pagaalaga sa mga bata.
  6. Ina-update nya si misis sa kung nasaan man sya at kung ano ang oras ng uwi nya para maiwasan na mag-alala si misis at mag-over thinking.
  7. Inaassure nya na walang ibang babae sa buhay nya bukod kay misis. Hindi din sya gumagawa ng kahit na anumang bagay para maghinala si misis. – Simple lang naman to. Sya ang unang nagha-heart ❤ sa mga selfies ni misis, umiiwas din sya sa mga babaeng nagbibigay ng motibo sa kanya lalo na kapag pinagselosan na ni misis, at higit sa lahat hindi malaking issue sa kanya kung hawakan man ni misis ang cellphone nya. Trust is the 🔑
  8. Hindi na sya kumokontra sa mga desisyon ni misis para sa pamilya lalo na at kung para sa ikabubuti naman ito ng pamilya.
  9. Hinahayaan nyang bumili si misis ng mga bagay na gusto nito like make-up, dress, shoes, and bags paminsan-minsan. Kung may pera ay sya na mismo ang nagbibigay ng mga ito kay misis bilang regalo. 🎁
  10. He ensures na maramdaman ni misis na naaappreciate nya ang mga sakripisyo nito para sa kanilang pamilya.
  11. Binibigay nya ang sahod nya ng buo o kaya naman ay nagbibigay sya ng pera na sasapat para sa gastusin ng pamilya.
  12. Hindi nya nakakalimutang iparamdam kay misis kung gaano nya ito kamahal ❤

Ngayon, siguro nasagot mo na ang tanong mo kung bakit losyang ang misis mo. Hindi nya pinabayaan ang sarili nya, sadyang napabayaan mo lang sya.

But this does not only apply sa mga mister but also sa mga misis din. Dahil sa relasyon dapat bigayan. Dapat team kayo.

Kung hindi natin didiligan ang halaman siguradong malalanta yan. Kaya kelangan may sapat na pagaalaga para mapanatili ang pamumukadkad nito.

Tandaan na ang isang relasyon ay kinakailangan ng atensyon para mapanatili ang matibay na koneksyon.

Kaya para magkaroon ng fresh na misis siguraduhin mong mapagmahal kang mister 😊💏

CTTO

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *