Connect with us

Facts & Trivia

Classic na larawan ng mga nagbibilyar na aso, nasa dingding pa rin ba ng bahay n’yo?

Published

on

  • Karamihan ng bahay noon ay may nakakabit na classic na litrato ng mga nagbibilyar na aso
  • Sa isang Facebook group ibinahagi ng isa sa mga miyembro ang larawan ng mga aso

Madalas makita noon na nakadikit sa dingding ng bahay ang malaking larawan ng isang grupo ng mga asong nagsasaya sa bilyaran. Sa paglipas ng panahon, unti-unti itong nawalan ng lugar sa mga tahanan; bagama’t hindi tukoy kung nawala ba ito sa uso o naluma na at wala nang nagtitinda kaya hindi na napalitan o kung ano mang dahilan.

Gayunman, para bang nakaukit na ito sa gunita at hindi basta-basta maaaring kalimutan. Noong may mag-post tungkol dito sa Facebook group na Memories of Old Manila, bumalik sa panahon ang mga miyembro ng grupo at nagsipagkuwento tungkol sa classic na poster na nakakabit noon sa kanya-kanya nilang bahay.

“Kumusta na ‘yong ganito sa mga dingding n’yo?” tanong ng nag-upload ng larawan na si Tin Castañeto Adap.

“Wala sa amin pero halos lahat ng kapitbahay namin e may nakasabit na gan’yan sa dingding nila,” tugon ng isa sa mga miyembro na si Leonora Mon.

“Takot ako riyan noong bata ako kasi parang gumagalaw sila,” pagbabahagi naman ni Vicente B. Cubilla, Jr.

Tanong naman ni Crispin Jr. Munoz Catungal, “Seryoso, ano nga po meron diyan sa poster? Sikat ‘yan noong 80s at 90s.”

May mga nagtanong din kung saan pa kaya nakabibili ng ganoong klase ng panlagay sa dingding. Para naman sa isang member ng grupo, magpapa-print na lamang siya gamit ang ini-upload ng nag-post.

“Halos lahat yata ng pangkaraniwang bahay mayro’n niyan, kasama na kami. Ang cute. Ipapiprint ko para i-display ulit. Salamat po sa nag-post,” sabi ni Kennedy Famatigan.

Samantala, may nagbahagi naman ng kopya ng isa pang larawan na diumano ay mayroon sa bahay ng kanyang lolo.

By: Cha Echaluce

Via / Source: https://kickerdaily.com/posts/2019/10/classic-na-larawan-ng-mga-nagbibilyar-na-aso-nasa-dingding-pa-rin-ba-ng-bahay-nyo/?fbclid=IwAR2a7LQupkQhxLQNkXPFEumckU-XuAAObbZXduavFl2XhhTZAfqqiZtl62I

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *