Connect with us

Facts & Trivia

Kakaibang ‘ride’ noon ng mga bata, nagbalik ng maraming alaala

Published

on

Natatandaan mo pa ba ang kakaibang “ride” na nagpasaya sa iyo noon bilang isang munting bata? Bago ka pa nahilig maglaro sa palaruan o magyaya sa amusement park, paulit-ulit ka rin bang lumapit sa iyong ama o ina noon para sumakay sa binti niya at itaas-baba ka niya? Para kang lumilipad, hindi ba?

Hay, kay sarap talagang balikan ang mga panahong simple lamang ang lahat! Kaya naman noong may nagbahagi ng larawan ng isang batang masayang nakasakay sa binti ng kanyang ama, agad na bumalik sa mga members ng Facebook group na Memories of Old Manila ang napakaraming alaala ng pagkabata.

“Chubibo namin noon! Sino nakaranas ng ganito?” tanong ng nag-post na si Wengskie Teodoro.

Mabilis tumugon ang mga miyembro ng grupo; bawat isa ay may kahapong nabalikan; may nagunita mula sa kabataan.

“Hahahaha! Sobra akong nakaka-relate kasi ‘yan ang bonding ko sa kanila noong childhood days nila,” pagbabahagi ng Facebook user na si Leny Santos.

“The best ang papa ko kahit chubbygat ako noon, ginagawa niya sa aming magkapatid ‘yan,” ani Yhang Santiago Banayat.

“Ako rin, tuwang-tuwa ang anak ko. Nilalagay ko sa paa ko, tinataas-baba ko ko siya,” kuwento ni Gloria Lamug.

“Tradisyon na iyan sa ating mga magulang, ang paglaro niyan sa ating mga anak,” sabi naman ni Frank Sese.

Ikaw, naranasan mo rin ba ang ganitong klase ng “ride” sa binti ng iyong mga magulang? Isa rin ba ito sa kumumpleto sa iyong kabataan? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section at sabay-sabay tayong bumalik sa kahapon!

Article: Kicker Daily

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *