Connect with us

Entertainment

“We Purple You” BTS pang-anim na consecutive week na nasa No. 1 spot on Billboard Hot 100

Published

on

By

BTS Billboard

Ang di-mapigilang K-pop superstars at Grammy nominees na BTS patuloy parin ang winning streak, dahil sa kantang “Butter”nakasungkit muli sila ng No.1 sa Billboard Hot 100 chart. Ito ang pang-anim na consecutive week nila.

Ayon sa Billboard, ang “Butter” na nireleased noong Mayo 21 ay nasa top spot para sa July 10-dated sa Hot 100 chart. Nag debut ang “Butter” sa No.1 simula noong Hunyo 5.

“We’re making history together with #BTS_Butter. HUGE thanks to #BTSARMY. We Purple You. #Got_ARMY_Behind_Us,” ayon sa tweet galing sa BTS’ official twitter account matapos ang magandang balita.

Ang Billboard Hot 100 chart ay naka base sa US streaming (official audio and official video), radio airplay at sales.

Iniulat ng Billboard na para sa latest Hot 100 chart, ang “Butter” ay nakakuha ng 11 million US streams (base sa MRC DATA nang July 1), bumaba ng 11 percent kung ikumpara sa 12.4 million streams noong July 3 na chart.

Simula ng debut ng “Butter” sa No.1, nakakuha ito ng kabuuang 118.1 million US streams.

July 10 chart (sixth week) – 11 million US streams
July 3 chart (fifth week) – 12.4 million
June 26 (fourth week) – 12.5 million
June 19 (third week) – 15.4 million
June 12 (second week) – 34.5 million
June 5 (first week) – 32.3 million

Advertisement

Bukod pa doon, naka benta rin sila ng 153,000 na galing sa mga downloads, cassette, at mga vinyl. Tumaas ng 20 percent mula 128,400 noong nakaraang linggo.

Sa kabuuan, ang US sales para sa “Butter” ay nasa 914,800 sa loob ng anim na linggo.

July 10 chart (sixth week) – 153,600
July 3 chart (fifth week) – 128,400
June 26 (fourth week) – 111,400
June 19 (third week) – 138,400
June 12 (second week) – 140,200
June 5 (first week) – 242,800

At hindi pa doon nagtatapos. Nakakuha rin sila ng 28.3 million radio airplay audience impression, dumagdag ng 2 percent mula 27.6 million noong nakaraang linggo. Sa loob lamang ng anim na linggo, nakakuha sila ng kabuuang 146.8 million na impressions.

July 10 chart (sixth week) – 28.3 million impressions
July 3 chart (fifth week) – 27.6 million
June 26 (fourth week) – 25.8 million
June 19 (third week) – 24.6 million
June 12 (second week) – 22.4 million
June 5 (first week) – 18.1 million

Sa kabilang banda naman, inulat ng Billboard na ang “Butter” rin ang nag No.1 sa Digital Songs Sales Chart sa sunod sunod na anim na linggo. Ire-release namang ng BTS ang “Butter” CD single sa Hulyo 9.

Source: ManilaBulletin

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.