Connect with us

Entertainment

Viral poging pari na si Fr. Ferdinand Santos, sinagot ang fans hingil sa umano’y edited photos

Published

on

By

Nilinaw ng viral na poging pari na si Fr. Ferdinand Santos na hindi edited ang kanyang mga trending photos na kumakalat sa social media.

Pero, giit niya na ilang taon na ang nakalipas mula nang kunin ang mga retratong ito.

Sa isang buradong post sa kanyang Facebook page, sinabi ni Father Ferdinand na matanda na siya pero proud pa rin.

“Ladies and gentlemen, yours truly is old! And dang proud of it!!! The photos people have drawn from my page span 17 years! But no, they were not edited. I don’t have the sophistication or the time to waste to do that kind of work,” saad nito.

Si Fr. Ferdiand ay isang lisensyadong fitness instructor na may doctorate degree in Philosophy at professor of Philosophy at Theology.

Aniya pa, 22 taon na siyang nagseserbisyo bilang isang pari, “I’ve been a Roman Catholic priest for 22 amazing years and I’ve been happy and fulfilled in every single one of them.”

Nagbigay rin siya ng mensahe sa kanyang mga tagahanga, “There is so much more to life than constantly running after things that will never fully satisfy us.”

“It’s a truly blessed life, because one is able to help people, to bring them to God, and to be a reminder to them, and to the whole world, that there’s so much more to life than constantly running after things that will never fully satisfy us no matter how much of them we amass for ourselves,” dagdag pa niya.

Advertisement

Naging instant celebrity at laman ng usap-usapan sa social media si Santos nang ibahagi ni Father Ranhilio Aquino ang kanyang mga retrato sa social media.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *