Connect with us

Entertainment

Van na sinasakyan ni Kim Chui, pinagbabaril sa QC

Published

on

Photo: Grab on DZBB Super Radyo

Pinagbabaril ng hindi pa kilalang mga suspek nito lang umaga ng Miyerkules ang van na sinasakyan ng aktres na si Kim Chui sa Quezon City habang papunta sa taping.

Ayon sa driver na si Wilfredo Tabanera, paliko na sana sila pakaliwa ng CP Garcia Avenue mula sa Katipunan ng makarinig sila ng putok ng baril.


Photo Courtesy: Kim Chui IG

Ang akala di umano nila ay hindi sila ang target kundi ang kulay puting SUV na kanilang katabi.

Ligtas naman ang aktres at ang kanyang dalawang kasama sa loob ng van.

Nagdulot ng matinding trapiko ang nangyaring insidente.

Ayon sa mga saksi, sakay ng motorsiklo ang namaril sa sasakyan ng aktes.

Samantala, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *