Entertainment
Trese, Kwentong Bayan ng mga Pinoy, mapapanood na ngayon sa Netflix

Sikat na ngayon sa pandaigdigang telebisyon ang mga pinoy na kwentong bayan at mapapanood na sa Netflix ang pinaka-inaabangang anime series na Trese.
Makikita dito ang mga kakabibang nilalang na naririnig lamang sa mga kwento ng mga matatanda at mga napapanood sa mga pinoy na fantaserye. Tunay nang maipag mamalaki dahil nasasalamin dito ang mayamang kulturang pinoy.
Ngunit ilang araw bago i-release ang anime series, ang promotional billboard nito na naka lagay sa iba’t ibang lugar sa kamaynilaan ay na vandalize, at hinala ng mga netizen na ito ay pakana lamang ng Netflix para makakuha ng mas maraming manonood.
“What kind of monster would do this??? If you see something, say something- we’re going to find out who did this” sabi ng Netflix sa kanilang post noong linggo.
Bukod pa doon, nag labas din sila ng mga litrato ng mga kakaibang nilalang na umaakyat sa billboard.
Mga nilalang nga ba ang gumawa nito?
Sila man ang may gawa nito o hindi, hinangaan ng mga netizen ang kakaibang paraan ng Netflix para i-promote ang naturang palabas.
BUOD NG TRESE
Base sa isang award wining Filipino Komiks, ang Trese ay tungkol sa isang mysterious detective na sinusubukang lutasin ang mga krimen na nasasangkot ang supernatural.
Ang kwento ay nagsimula sa tren na papuntang Guadalupe, dito nagsimula nag malaking problema sa mundo ng tao at mga kakaibang nilalang. Bilang isang mahusay na manggagamot at mandirigma, gagawin ni Alexandra Trese ang lahat upang ma-iangat niya ang legacy ng kaniyang pamilya at tangkang pagbabalanse sa mundo.
Sinusubok ni Alexandra Trese na alamin, madiskubre, at sunggabin ang mga misteryoso na nagaganap sa mundong ibabaw pati narin sa mundo ng mga mahika.
Sundan ang paglalakbay sa mga kalye ng Metro Manila na may bahid ng mga mitolohikal na mga nilalang na kilala sa ating mga Pilipino.
Ang kakaibahan ng seryeng ito ay naka set ito sa modernong panahon ngunit naglalarawan ng mga kwentong naririnig natin mula sa labi ng ating mga lolo at lola.
Tulad lamang ng katagang “tabi tabi po”, na sinasabi tuwing may nuno sa punso. Ito ang isa sa mga karakter na ating nakilala mula sa trailer, pero imbis na nasa malaki puno o lupa, ito ay nagtatago sa ilalim ng manhole.
Gayundin ang tiyanak na kaniyang kakalabanin. Makikita rin sa dulo ng trailer sina Crispin at Basilio na hango sa mga nobelang isinulat ni Jose Rizal, bilang mga kambal.
Ang mga tao sa likod ng talino sa paglikha nito ay sina Budjette Tan bilang manunulat at si Kajo Baldismo bilang illustrator nito. Nagsimula i-publish ang mga komiks noong 2008.
Abangan ang Netflix original anime na makakasama si Liza Soberano bilang voice actress ni Trese at Filipino dub at si Shay Mitchell naman para sa English dub.
Sundan ang kababalaghan na magaganap sa hating gabi ngayong Hunyo 11, 2021 sa Netflix.