Connect with us

Entertainment

Tingnan: Heart Evangelista poses para sa collab kasama ang Incubus lead vocalist Brandon Boyd

Published

on

By

brandon-boyd-instagram-post
📷 @brandonboyd Instagram

Heart Evangelista nagpose sa isang sneak peak post ng Incubus lead vocalist Brandon Boyd sa kanilang collaboration para sa Moonlight Arts Collective.

Sulat ng lead vocalist sa American rock band na Incubus sa kaniyang Instagram post, “What a pleasure to meet @iamhearte ❤️ and her wonderful team.”

“She is the consummate multi-hyphenate: actor, singer, model, spokesperson, and (drumroll please…) painter! I’m so excited to show everyone our first collaboration together with @moonlightartscollective Lots more details coming soon,” dagdag pa niya.

brandon boyd instagram post 1

📷 @brandonboyd Instagram

Matapos nilang inanunsyo ang kanilang “little art project” noong Mayo, makikita ang dalawang visual artists na si Evangelista at Boyd na busy sa kanilang photoshoot na collaboration nila para sa Moonlight Arts Collective in the US.

Ang visual art gallery, na itinatag ni Boyd, ay tahanan sa mga “signed limited edition art from cultural icons who draw, paint, photograph & ‘moonlight’ as visual artists,” ayon sa kanilang website.

Noong Agosto 17, agaw-atensyon ang dalawa sa social media matapos bigyan ni Boyd si Evanglista ng piggyback ride sa kanilang behind-the-scenes shoot.

Sulat ng actress sa kaniyang Instagram Story “Soon,” kasama ang photo ng piggyback ride at naka-tag si Boyd at ang social media accounts ng gallery.

Ang isa naman na naka pose kasama si Boyd ay may caption na “So excited.”

Advertisement

Maliban sa pagiging singer, songwriter, at musician, kilala rin si Boyd dahil sa kaniyang watercolor and experimental paintings na naka display sa mga galleries sa US. Author rin siya at curator ng tatlong libro ng kaniyang mga personal illustrations, photography, lyrics, at iba pang mga sulat.

May plano si Boyd sa isang large-scale exhibit noong 2020, ngunit na-postpone ito dahil sa pandemya.

Si Evangelista- isang philanthropist, socialite, at ang current first lady ng probinsya ng Sorsogon- ay kilala rin sa kaniyang mga paintings featuring mga kababaihan at sundry patterns na naka showcase sa mga sold-out exhibitions, collaboration kasama ng mga designer bags, accessory at marami pang iba.

Source: PhilStarLife

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *