Connect with us

Entertainment

TikTok’s Top Celebrity Award nasungkit nina SB19, Andrea Brillantes at Sanya Lopez

Published

on

By

tiktok awards
📷 by Tiktok Philippines

Nasungkit nina SB19, Andrea Brillantes at Sanya Lopez  ang Top Celebrity Award sa kauna-unahang TikTok Awards na naganap nitong Linggo, July 4.

Ang mga nagwagi ay kinikilala sa kanilang pagiging malikhain sa paggawa ng mga content na nakapagbibigay ng aliw at kasiyahan sa mga users nito lalo sa panahon ngn pandemiya.

Ang virtual event ay pinamagatang “Ipakita Mo,” at ito’y hosted by Billy Crawford at voice talent Inka Magnaye.

“Siyempre unang una sa lahat, gusto naming magpasalamat sa TikTok and of course congratulations to everyone who won an award also and participated,” sinabi ng SB19 pagkatanggap nila ng recognition.

“Sobrang thankful kami to be receiving this kind of award. Sobrang honored, malaking opportunity po ito para sa amin. Alam naman natin na maraming artist ang natutulungan ng TikTok ngayon. We are very honored to be part of it,” dagdag nila.

Hindi nakadalo si Brillantes sa event pero nagpasalamat siya sa lahat ng kanyang supporters at sa Tiktok sa pamamagitan ng isang pre-recorded video message.

“Hindi ko inakala na mananalo ako ng award sa TikTok. Thank you to my fans dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi magiging ganito kalaki ang platform ko sa TikTok and I wouldn’t be able to express myself with it,” aniya.

Advertisement

Ganudin si Lopez, aniya hindi niya inaasahan na mananalo siya ng award sapagkat sumali lang siya sa platform  “for entertainment and for fun.”

“Hindi ko akalain na makaka-receive po ako ng award from TikTok. I dedicate this award sa aking family, friends, sa lahat po ng bumoto sa akin,” sabi niya.

tiktok-creator-of-the-year

📷 by Tiktok Philippines

Ang dancing siblings naman na sina Ranz at Niana ay kinilala rin sa event bilang TikTok’s Top Creator, kung saan inaakit nila ang mga users hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.

“It’s an honor receiving this award. It’s crazy how TikTok evolved. We were there when it first started. I can still remember we were in Indonesia before the TikTok launched. Back then, the community is not that big. It’s crazy how the community has evolved into this huge thing. Even the creators, there’s a lot more. The creativity is crazy,” pahayag ni Ranz.

“We just want to say thank you so much to everybody who has been supporting us. We really do appreciate it. Once again, it’s such an honor to receive this award. We’ll continue to keep making content for you guys, just watch out,” dagdag ni Niana.

Bukod sa mga nabanggit na nanalo, narito rin ang ibang nagwagi ng karangalan sa pinaka-unang TikTok awards:

Rising Star Award winners
Vanessa Alvarez
Father Fiel Pareja
Krizzle Luna

Top Talent Award winners
Zendee
Marvin Fojas
Yanyan de Jesus

Advertisement

Top Creative Award winners
Stephen Benihagan
Dr. Kilimanguru
Boss Edlyn

Popular Creator Award winners
@JooksToGo
@LennieEnverga
@JLCastillo

Na-feature at nag-perform rin sa event sina, Lopez, SB19, Ella Cruz, Sofia Pablo, EA Guzman, Mark Herras, Donnalyn Bartolome, DJ Loonyo, Zendee, at mga rappers na sina Gloc 9, at si Shanti Dope.

Nag-perform rin si Moira dela Torre kung saan kinanta niya ang“déjà vu” ni Olivia Rodrigo habang si Maris Racal naman ay nag-perform ng kanyang unang live performance ng “Ate Sandali,” kasunod ng kanyang boyfriend Rico Blanco’s “Happy Feelin.”

Source: ABSCBN