Connect with us

Entertainment

‘The Expressway Walk’, tawag ng mga netizens sa viral na runway walk ni Steffi Aberasturi

Published

on

By

steffi aberasturi
Photo| Screen grab from Empire Philippines YT

Tinawag na ‘The Expressway Walk’ ng mga netizens ang runway walk ng pambato ng Cebu sa Miss Universe Philippines (MUPh) 2021 na si Steffi Aberasturi.

Nagviral sa social media ang video ni Steffi para sa Runway Challenge ng MUPH 2021.

Makikita sa video ang pagrampa ng 5-foot-7 beauty queen sa ginagawang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX), isang 8.5-kilometer toll bridge na nag-uugnay sa Cebu City at South Road Properties ng Cordova sa Mactan Island.

Inaasahang matatapos ang kunstruksyon ng tulay bago magtapos ang 2021.

Sa isang Instagram post, proud na ibinahagi ng 26-year-old Cebuana na siya ang unang Cebuana na rumampa sa tulay nang nakatakong.

“We made history! Proud and honored to be the first Cebuana to strut on the soon to open Cebu-Cordova Link Expressway…in HEELS!❤️

“There’s more to Cebu than just beaches and heritage sites. It is the home of progress and opportunities…and a melting pot of creative minds. The best part I am most grateful for is that we advance and thrive as ONE!”

Suot ni Aberasturi sa video ro mga dramatic black dress na gawa ng designers na sina Stef Tirado, Jessie Lastimosa at Oscar James habang nagrarampa sa gitna ng tulay.

“For the runway challenge, I wanna take this opportunity to promote the new breed of young promising designers who will continue to cary the torch of Cebuano excellency in fashion. So when we were asked to wear a little black dress, I know 1 wouldn’t be enough,” sulat nito.

Ang ‘Runway Challenge’ ang ikatlong challenge sa Miss Universe Philippines pageant kasunod ng Headshot Challenge at Video Intro Challenge.

Advertisement

Panoorin dito ang kabuuan ng video:

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *