Connect with us

Entertainment

Taylor Swift “Red” album re-recording mayroong 30 songs, kasama ang No. 1 sa Billboard na “Fearless”

Published

on

taylor swift red album

Taylor Swift inanusyo kahapon na ang blockbuster hit album niya na Red noong 2012 ay magkakaroon na ng re-recording at irerelease ngayong Nobyembre 19. Ito ay dalawang buwan matapos na mag No.1 sa Billbard 200 charts ang kaniyang unang re-recorded album na Fearless (Taylor’s Version).

“This will be the first time you hear all 30 songs that were meant to go on Red,” sulat ni Swift sa kaniyang mga fans. “And hey, one of them is even ten minutes long,” dagdag pa niya.

Ang album ay magkakaroon ng tatlumpung kanta na supposedly kasama dapat sa Red album. Dagdag pa niya, na ang “All Too Well” na kanta ay magiging 10-minutes long. Sabi ng mga fans dapat ng kabahan si Jake Gyllenhaal sapagkat sa kaniya raw dedicated ang kantang puno ng lungkot at galit na naranasan ni Taylor Swift noong silang dalawa ang magkasintahan.

taylor_swift_meme

Akala ng mga fans na ang susunod na album na magkakaroon ng re-recording ay 1989, ngunit pinili parin ni Swift ang pang-apat niya na album, ang Red.

Ipinalabas noong Oktubre 2012. Ito ang album na nagpasikat pa lalo sa pop superstar dahil sa kanta niyang “We Are Never Ever Getting Back Together” na nag No.1 sa Hot 100, kasama ang iba pa niyang mga kanta tulad ng “I Knew You Were Trouble,” “22” at “Everything Has Changed ft. Ed Sheeran”.

“Musically and lyrically, Red resembled a heartbroken person,” Sabi ni Taylor. “It was all over the place, a fractured mosaic of feelings that somehow all fit together in the end. Happy, free, confused, lonely, devastated, euphoric, wild, and tortured by memories past. Like trying on pieces of a new life, I went into the studio and experimented with different sounds and collaborators. And I’m not sure if it was pouring my thoughts into this album, hearing thousands of your voices sing the lyrics back to me in passionate solidarity, or if it was simply time, but something was healed along the way.”

Noong 2019, inanunsyo ni Taylor Swift ang plano niyang i-record muli ang unang anim niyang album matapos makuha ni Scooter Braun ang master recordings niya. Sinimulan niyang mag re-record ng mga kanta simula noong nakaraang Nobyembre, isang buwan bago i-release ang Folklore na album na nagwagi ng album of the year sa Grammy. Dahil dito si Taylor Swift ang nag-iisang female artists na mayroong tatlong album of the year trophies sa buong kasaysayan ng Grammy.

Advertisement

 

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *