Connect with us

Entertainment

“Sarah Geronimo, buntis na nga ba?” Tanong ng mga netizens matapos nilang makita ang post ni Matteo Guidicelli

Published

on

By

matteo-instagram-post
📷 @matteog Instagram

Buntis na nga ba si Sarah Geronimo?

Ito ang tanong ng karamihang netizens matapos nilang makita ang post ng asawa ni Sarah na si Matteo Guidicelli, patungkol sa kanyang plano na bumili ng isang family car.

Sa Instgram, ibinahagi ni Matteo ang kanyang larawan na may caption na: “I’m thinking of getting a new family SUV.” Dahil dito napa-isip ang mga netizens na baka “hint” ito.

Hindi napigilan ng mga netizens na karamihan ay nasasabik
na mag-bombard sa comment section patungkol sa posibleng pagbubuntis ni Sarah.

“Omgee! Preggy na si Sarah G??” tanong ng isang netizen.

“Wow!! The fambam is ‘growing’ na ba,” kumento ng isa pang netizen.

Hindi sinagot ng aktor ang mga tanong, pero ayon sa ibang mga fans na maaring nag-propromote lang siya ng isang car brand.

Advertisement

Gayunpaman, pinayuhan ng ilang mga Instagram users si Matteo na maglagay ng baby car seat rin, “just in case,” sabi ng mga fans.

“Bwahahaha…. Apaka advance nating mag-isip kalma guyssss,” sabi ng isang netizen.

Noong nakaraang buwan, binati niya si Sarah sa kanyang kaarawan sa social media.

ibinahagi niya ang kanilang larawan na magkasama na may caption, “Happy birthday my wife! Blessed to be beside a strong, beautiful, powerful, superwoman!”

“Thank you for all the love. I love you forever,” aniya.

Nagpakasal ang dalawa noong Pebrero 2020 matapos ang anim na taong nilang pagsasama bilang magkasintahan.

Source: ABSCBN

Advertisement