Connect with us

Entertainment

Sanya look-alike ni Rabiya?: Bukas ang pinto sa pagiging beauty queen, pero…

Published

on

Bukas ang pinto ni First Yaya lead star Sanya Lopez sa pagsabak sa mga beauty contest.

Nang tanungin kung may balak ba siyang sumali sa Binibining Pilipinas, Miss Universe Philippines o Miss World Philippines, inamin ng aktres na gusto niya rin na mag-explore ng ibang bagay kasama na ang pagiging beauty queen.


“Actually gusto ko rin naman i-explore ‘yung part na ‘yon, ‘yung pagiging beauty queen. Kaya lang talaga, sabi ko sa ngayon, maganda ‘yung binibigay sa akin ng GMA Network,” paliwanag ni Sanya.

Marami ang nagsasabi na may potensyal si Sanya na maging beuty queen.

Katunayan, isa si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa mga nagpahayag ng pagsuporta kay Sanya.

Dati na rin itong nagpresinta na turuan si Sanya kung sakaling magdesisyon ito na sumali sa isang pageant.

Patok din ngayon ang tila beauty contest episode ng “First Yaya” kung saan nakipagtalbugan si Sanya with her two-piece bikini and evening gown kay Binibining Pilipinas Universe Maxine Medina.

Napansin din ng mga netizens ang pagkakahawig niya kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Super flattered naman ang kapuso actress sa mga papuri sa kanya.

Nagkita na rin aniya sila ni Rabiya sa personal, “Nagkita kami noon, kaya kami nagkagulutan parang, ‘Uy!’

“Iisa reaksyon namin nu’ng nagka-ganunan kami, as in pareho kami nakatitig lang sa isa’t isa, tapos doon palang kami nag-hi, hello,” sey pa ni Sanya.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.