Connect with us

Entertainment

“Sakripisyo, dugo at pawis ang puhunan namin” Sen. Manny Pacquiao dinepensahan ang luxurious OOTD ni Jinkee

Published

on

By

Jinkee-Instagram-Photo
📷 @jinkeepacquiao Instagram

Dinepensahan ni Boxing champ Sen. Manny Pacquiao ang kanyang asawa na si Jinkee Pacquiao, mula sa mga taong nag-cricriticize dahil sa sinuot niyang luxurious outfit sa Pacquaio-Ugas bout sa Las Vegas.

Kamakailan, isang veteran columnist na si Cristy Fermin ang nag-puna kay Jinkee matapos may naiulat na ang kanyang outfit na sinuot sa Pacquiao-Ugas bout ay naghahalaga umano’y ng P1.5 milyon.

“Kung mayroon siyang pakialam, dapat ‘di niya inilalantad ang kanyang kayamanan sa pamamagitan ng kanyang mga kagamitan. At, wala pong kahihiyan si Jinkie Pacquiao… Andami-daming nagugutom na pamilya, andaming walang pambabara sa lalamunan patungo sa bituka, ipagpaparadahan mo lahat ng binibili mo.. Wala ka sa timing, hindi ka marunong umunawa sa sitwasyon ng mundo ngayon,” sinabi ni Cristy.

Sa isang panayam kasama ang “The Chiefs” sa One News, sinabi ni Manny na “hard earned money” ang lahat ng bagay na binibili nila, at hindi mula sa public funds.

Jinkee Instagram Photo 2

📷 @jinkeepacquiao Instagram

“Yung asawa ko, mukhang mamahalin lang yun, pero hindi naman masyadong mahal yung mga isinusuot niya. At ‘yan namang pera na ‘yan, dugo at pawis, hard-earned money ko,” aniya.

“Ano ‘yan, hindi ‘yan ninakaw sa gobyerno, hindi ‘yan ninakaw dun sa mga tao, kundi pinaghirapan ko ‘yan, pinaghirapan namin. Now, kung ano man meron kami, dream namin ‘yan. Sakripisyo, dugo at pawis ang puhunan namin para kami maging masaya,” dagdag niya.

Hindi kami marunong makikipagplastikan

Sinabi rin ni Manny na kung hindi sila nagsuot ng branded clothes, iispin na “plastik” sila ng publiko at tatawagin siyang traditional politician o “trapo”.

“Yun po ang ano natin, unless kung magsuot kami ng mga pangmahirap, e, magiging plastic din kami. Na sabihin na, ‘Ang style ng mga trapong politician,’ minsan lalo pagdating ng eleksyon, magsusuot ‘yan, kung puwede lang punit-punit yung mga damit, e, para sabihing mahirap, e, hindi ba? E, hindi kami ganun, e. Hindi kami marunong makikipagplastikan,” pahayag niya.

Advertisement

“Gusto namin, kung ano yung tinatamasa namin ngayon, pinagdadaanan naman namin ngayon, gagawin namin dahil hindi naman kami nagnanakaw, hindi naman kami… pinaghirapan namin ‘yan kung ano meron kami,” sinabi ni Manny.

Jinkee-Instagram-Photo-3

📷 @jinkeepacquiao Instagram

Samantala, nagpost ng isang larawan si Jinkee sa Instagram na nagsasabing, “Some people have so little going on in their lives, they would rather discuss yours.”

“Remember, people only rain on your parade because they’re jealous of your sun and tired of their shade. Spread Love! We should love one another, for GOD is love! God is good all the time!” dagdag niya.

(Source: Jan Milo Severo, Philstar.com)