Connect with us

Entertainment

PAMBATO NG PINAS SA MISS ECO INTERNATIONAL, PASOK SA TOP 10

Published

on

Larawan mula sa newspapers.ph

Pasok ang pambato ng bansa na si Kelley Day sa top 10  ng 2020 Miss Eco International na ginanap sa South Sinai, Egypt ngayong araw.

Ang iba pang mga finalists ay ang mga kalahok mula sa Thailand, South Africa, USA, Venezuela, Panama, Costa Rica, Ecuador, Belgium at Indonesia.


Noong nakaraang Biyernes, nasungkit ni Day ang Best National Costume sa preliminaries ng pageant na ginanap sa Baron Resort Sharm El Sheikh.

Suot ng 24 taong gulang na beauty queen mula Tarlac ang pulang Maria Clara-inspired na Filipiniana dress na ginawa ni Louis Pangilinan.

Nagsanay nang mabuti si Day kung paano ihanda ang sarili para sa iba’t ibang looks para sa kompetitsyon, pati na rin kung paano sasagot sa Q&A portion.

May career na sa showbiz si Day bago pa man pumasok sa mundo ng pageant, at ibinahagi niya na naging mas malinaw ang kanyang isip matapos ang palagiang pagmumuni-muni noong kasagsagan ng lockdown.

“I have a renewed appreciation for life. I meditated on my career path, and I think I’m headed towards the right direction,” ani Day.

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *