Connect with us

Entertainment

Naglaro ng Luksong Baka sina Mikael Daez at Megan Young at ito’y epic fail

Published

on

By

Mikael Daez
Photo by mikaeldael Instagram

Kahit maraming taon nang magkasama sila Mikael Daez at Megan Young, patuloy nilang pinapatunayan na masaya pa rin silang nag-bobonding.

Ibinahagi ni Mikael sa Instagram ngayon ang isang nakakatawang video clip kung saan naglalaro silang dalawa ni Megan ng Luksong Baka, isang Pinoy iconic game.


Sa video, makikita na sinubukan ni Megan tumalon over kay Mikael sa taas na “level three.”

Pero, pagkatalon ni Megan, ang kanyang backside “got in the way” at nag-land siya sa balikat ni Mikael.

Natumba si Mikael habang tumatawa at sinabi niya “I basically got butt-stomped by my wife.”

“Feeling ko talaga, hindi tatagal ang relationship namin ni Bonez. Hindi naman sa bibigay ang puso ko, pero for sure bibigay ang likod ko sa kanya!!!” sinulat ni Mikael sa caption.

“In case you missed it, Boneezy’s future wrestling name is Back Breaker Bonez,” dagdag niya.

Hindi ito ang unang beses na naging “physical” silang magpamilya. Noong isang linggo lamang, ipinakita ni Mikael ang kanyang scratch pagkatapos ang isang wrestling match niya kasama ang kanilang poodle na si Soba.

Matapos ang walong taon na pagsasama nila Megan at Mikael, nagpakasal na rin sila noong Enero 2020.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez)

Source:GMANews

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *