Connect with us

Entertainment

Moira napiling kumanta ng PH version ng Mulan theme song na Reflection

Published

on

Labis ang kasiyahan ng singer na si Moira Dela Torre nang mapili ng Disney na kumanta ng lokal na bersyon ng “Reflection” na theme song ng live action film na Mulan.

Kahapon lamang ipinahayag ng Management ng Disney na si Moira ang nais nilang mag-record ng kanta na orihinal na pinasikat ni Lea Salongga para sa animated movie na Mulan sa taong 1998 at ginawan ng studio version ni Christina Aguilera.


Sabik aniya si Moira na may halong kaba nang una niyang marinig ang tungkol sa proyekto.

“It really felt like a full circle” dagdag pa nito dahil ang kantang Reflection ay ang unang kantang narinig niya na gustong makabisado para sa special number sa kanilang simbahan para sa second anniversary nito.

Ito rin ang naging rason para mag-bukas ang kanyang pinto na mahalin ang pag-kanta.

May ilang mga fans ang nagtatanong kung kamusta ang nararamdaman ng singer kung ikukumpara ito kay Salonga at Aguilera, ayon sa kanya natakot siya sa una pero kung may isa man siyang natutunan sa dalawa yun ay ang maging totoo sa sarili.

Salungat sa kanyang inaasahan, masaya si Moira na hinayaan siya ng Disney na ilagay ang kanyang sariling bersyon. Ang live-action “Mulan” movie ay mag-bubukas sa Philippine Cinemas sa Marso 25.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *