Connect with us

Entertainment

“Little Booba”, isinilang ni Ethel Booba sa araw ng mga puso

Published

on

Photo via GMA Network

Kung tsokolate, lobo at bulaklak ang natatanggap ng karamihan ng mga tao sa Valentine’s, bongga at napakagandang regalo naman ang natanggap ng komedyante na si Ethel Booba sa Araw ng mga Puso dahil isinilang na nito ang kanyang first baby.

Sa kanyang Twitter account, ibinahagi nito sa publiko at ipinakita ang picture ng legs ng kanyang baby na sinamahan niya ng caption na “Welcome to this world Little Booba. Charot!” tweet niya.


Dahil dito ay agad ding bumuhos ang “Congratulations” message para sa komedyante.

Matatandaang Nobyembre 2019 nang ibahagi ni Ethel na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kanyang non-showbiz boyfriend nitong si Jessie Salazar.

Position: Production Staff Years/background in Media works: 4yearsWhy chose this profession:Mass Communication helps me in building my personality and overcome my shyness. I can now see my improvement because I am now comfortable in speaking and socializing with people. Principle in life: Never give up on something you really want. It's difficult to wait but it's more difficult to regret.