Connect with us

Entertainment

Kim Domingo, nag-positibo sa COVID-19 kahit nabakunahan na siya

Published

on

By

Kim Domingo Instagram post
📷 @krisaquino Instagram

Nag-positibo pa rin si Kapuso Kim Domingo sa COVID-19 kahit siya ay fully vaccinated na.

Nitong Lunes, ibinahagi ng Kapuso star sa Instagram ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang larawan na nagpapakita ng kanyang sarili na umiiyak habang nakahiga sa higaan.

“Nag positibo ako sa COVID-19. First of all, hindi ko in-expect na tatamaan pa ako sa sobrang pag-iingat na ginagawa ko,” sulat ni Kim sa caption na ayon sa report ng GMA News Online.

Hindi inaasahan ni Kim na mahahawaan siya ng COVID-19, sapagkat iniingatan naman niya ang kanyang sarili. Pinag tatawanan na din siya nang kanyang mga kasamahan dahil sa sobrang pag di-disinfect ng kanyang mga gamit.

Advertisement

“Pinagtatawanan na nga ako sa sobrang pag-disinfect na ginagawa ko. Pati mga binibili sa labas at mga kinakain meron din pag disinfect. Kumpleto din ako ng vitamins at fully vaccinated,” sulat ni Kim.

Pagdating sa trabaho, mas pinipili ni Kim na mag-work lang sa bahay, hindi siya lumalabas kahit para sa mga lock-in tapings.

Pero, nang matapos siya mabakunahan, nag-desisyon siyang bumalik sa trabaho at naka-schedule siya para sa “Love, Die Repeat.”

“Naka-set na sana kami nung Aug 29 para sa quarantine ng show at biglang sa hindi inaasahan, nangyari ito,” aniya.

“Grabe ang iyak ko nung nalaman ko na hindi na ako makakasama sa show. Napaka wrong timing,” dagdag niya.

Ngunit, kahit nalulungkot , naniniwala si Kim na may ibang plano ang Diyos para sa kanya.

Samantala, walang ideya ang aktress kung paano niya nakuha ang virus.

Advertisement

“Saan ko nga ba nakuha? Hindi ko din alam, pero isang lang ang malinaw sa ‘kin. Kahit anong ingat mo, pwedeng pwede ka tamaan ng COVID,” sulat niya.

“Pagkakataon na magpa-bakuna”

Hinihikayat rin ng Kapuso aktress ang ibang mga tao na magpabakuna.

“Hindi natin sya nakikita. Kaya kung meron kayo pagkakataon na magpa-bakuna, magpa-bakuna kayo,” sulat niya.

Inamin niya na noong una, nag-aalangan din siya magpa-bakuna, ngunit, matapos niyang makipag-usap sa mga taong nabakunahan na, na-realized ni Kim na ang pinaka maganda niyang gawin upang maprotektahan ang kanyang sarili at pamilya, ay magpabakuna.

“Inisip ko, kesa naman ako ang mahirapan, pati mga mahal ko sa buhay pag tinamaan kami ng Covid,” sulat niya.

“Makakatulong ang bakuna para mabawasan ang severity ng Covid. Buti na lang at fully vaccinated na ako at ang pamilya ko,” dagdag niya.

Patuloy pa rin ang pag-iingat ni Kim sa kanyang sarili.

Advertisement

“Tuloy-tuloy pa din ako sa pagiingat, pag di-disinfect hindi din po ako lumalabas,” sulat niya.

“Tatapusin ko po ang aking home quarantine hanggang sa ako ay mag-negative na sa virus. Salamat din sa mga nagpa abot ng kanilang message at pag-aalala. Love you all! Stay safe po sa lahat!” sinabi niya sa huli.

(Source: — Jannielyn Ann Bigtas/LA, GMA News)

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *