Connect with us

Entertainment

Kiko Estrada, hindi raw cheater, mabilis lang mag move-on: “I moved on fast, maybe that’s my fault”

Published

on

By

Binasag na ni Kiko Estrada ang katahimikan tungkol sa isyu sa kanyang kasalukuyan at dating girfriend na sina Heaven Peralejo at Devon Seron sa isang interview ni Ogie Diaz.

Binigyan diin ni Kiko na hindi niya pinagsabay ang dalawa, gaya ng iniisip ng marami.

Idinitalye ni Estrada kay Ogie ang timeline ng kanilang break-up ni Seron at ang relasyon kay Peralejo.

“We split Valentine’s Day 2021,” ani Estrada sa hiwalayan kay Seron.

Itinanggi niya na sila na ni Peralejo nitong March, “We were still not together at this point. We were just talking, trying to get to know each other,” kwento niya.

“We were formed through the adversity, through the hardships. Through the issue, we became closer. I would never expect na magiging kami in any way,” sey pa nito.

Ayon kay Kiko, naging opisyal na ang kanilang relasyon ni Peralejo nitong May 30.

Advertisement

Aminado rin ang aktor na mabilis siyang naka move-on mula sa heartbreak gaya ng obserbasyon ng ilan at ito marahil ang kanyang kasalanan.

“I guess if you want to blame something on me, it’s that I moved on fast . . . Maybe that’s my fault, but there was no overlapping. I was hurt, too. I didn’t want to leave her, but the situation caused it. Nangyari na ‘yung nangyari,” chika nito.

“Hindi ko naman siguro kasalanan na I moved on. Sino bang hindi gustong mag-move on sa nakaraan. Who doesn’t want to find happiness kung malungkot ka?”

Nanatiling tahimik si Estrada tungkol sa kanyang personal na buhay pero napilitan itong magsalita ngayon para protektahan si Heaven na ngayon ay “depressed” raw dahil sa mga pambabash sa social media.

Advertisement

“They say I am a cheater. I am not a cheater. [They say] Heaven is a third party. She is not a third party. There’s nothing like that that happened.

“Kasi kung totoo, tatanggapin ko. Like, we have to live with it because it’s the truth, and the truth will set you free. But this is not the truth. This is something they would want to believe. They would want to point and say that I’m the bad guy, or she’s the bad girl. Sa teleserye o sa pelikula kailangan may kontrabida, so I guess that’s what they want. I’m just here to explain and clarify.

“She’s really hurt. She’s really hurt. Emotionally, mentally, physically. Down na down siya. She’s depressed.

“There’s always going to be bashing, but may limit, e. Tao rin tayo. She’s handling this the best that she can. She’s just really depressed right now. She might give a smile, but behind that smile, she’s not okay,” salaysay ng aktor.

Kayang dedmahin ni Kiko ang mga bashing online pero naaapektuhan umano siya tuwing nakikita ang girlfriend na malungkot at nasasaktan.

“Seeing the person you love hurt by lies or by fabricated truth, it takes a man to stand up to tell the truth and to tell what happened. I’m a private guy. Nakakalungkot lang na I had to reach this point to show or to tell everyone the truth. Mahirap na ‘yung taong mahal mo, nakikita mo palaging malungkot.

“She cries, but she cries to herself. She’s also like me. She hides the emotions as much as she can. But of course, if it’s too much, she lets it out. That’s why I had to do this. I had to speak out, I had to protect her. I am not disrespecting anyone. I’m just protecting the people that I love. That’s the main purpose of this,” paliwanag nito.

Advertisement

Sa unang pagkakataon, nagbigay din si Kiko ng pahayag tungkol sa kanilang hiwalayan ni Devon.

Hindi na nito dinetalye ang lahat pero sinabi niya na nasaktan nila ang isa’t-isa.

“It was not a good breakup, but it was a breakup. I wish her well, to be honest. I wish her the best.”

“When I see her, I want to see her happy, good in life, healthy. I want to see her with a big smile. Kahit na mag-nod siya sa akin, at mag-nod ako sa kaniya, that’s enough for me,”

“I respect their whole family. And I know they’re hurt with what happened, and I’m sorry if I hurt them as a family. I never intended to. I just hope they stop. I just hope they move on.”

“I just hope that she’s well, and I hope she gets the best in life. I wish her the best, she deserves the best, and I am not the best for her. I’m sure that there is someone who’s going to love her the way she wants to be loved,” saad ni Estrada.

Advertisement