Connect with us

Entertainment

Katy Perry, inanunsyo ang pagbubuntis sa kanyang “Never Worn White” music video

Published

on

Sorpresang inanunsyo ng singer na si Katy Perry ang kanyang pagbubuntis sa pamamagitan ng kanyang bagong labas na music video ng “Never Worn White”.

Binulaga ng singer ang mga netizens sa huling bahagi ng video kung saan makikita na suot nito ang isang kulay puting damit habang hawak-hawak ang kanyang baby bump.


Kinumpirma rin mismo ng “American Idol” judge ang magandang balita sa kanyang live instagram broadcast matapos ipalabas ang music video.

Labis umano ang kanilang kagalakan na ipabatid sa publiko ang kanyang sikreto sa pamamagitan ng musika.

“I am excited. We are excited and happy. It’s probably the longest secret I’ve had to keep. I’d like to tell you guys everything but I know I would tell you in the best way which is through a piece of music. Because that’s how I speak to you,” saad pa ng singer.

Ito ang magiging unang anak ni Perry sa aktor na si Orlando Bloom sa kanilang tatlong taon na relasyon.

Magiging ikalawang anak naman ito ni Bloom sunod sa kanyang 9 na taong gulang na panganay na si Flynn sa kanyang ex-wife na si Miranda Kerr.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *