Connect with us

Entertainment

KANTANG ‘PERMISSION TO DANCE’ NG BTS, IPINAGBABAWAL PATUGTUGIN SA MGA GYM SA SEOUL, SOUTH KOREA

Published

on

Ipinagbabawal ngayong patugtugin ang kantang ‘Permission to Dance’ ng sikat na Kpop band na BTS sa mga gym sa Seoul, South Korea.

Naniniwala kasi ang mga otoridad na ang pagwu-work out sa mga mabibilis na tugtog ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa kalusugan, lalo na sa mga group workout.

Maliban sa pagba-ban ng mga tugtog na mas mabili sa 120 beats per minute, nagtakda rin ang mga otoridad ng 6 km/h na maximum speed sa mga treadmill.

Makatutulong umano ang mga hakbang na ito upang maiwasan ang sobrang bilis na paghinga ng mga tao o di kaya’y ang pagtalsik ng kanilang mga pawis, mga bagay na nakakapagpakalat umano ng virus.

Dismayado naman ang mga may-ari ng gym sa mga patakaran na ito.

“My biggest question is whether playing classical music or BTS songs has proven to have any impact on spreading the virus,” ani Kang Hyun Ku, may-ari ng isang gym sa Seoul.

Depensa naman ng mga health officials sa Seoul, sinuri umano nila nang mabuti ang iba’t ibang mga pananaw bago nagpasyang ipagbawal ang mga tugtod na may higit sa 120 beats per minute.

Advertisement

Humingi naman ng pag-unawa mula sa mga mamamayan si South Korea President Moon Jae In at hinomok ang mga ito na sumunod na lamang sa mga bagong ipinatutupad na patakaran.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *