Connect with us

Entertainment

“Kadiri tong FAKE NEWS na to!!!!!!” Galit na pinuna ni Vice Ganda sa isang website

Published

on

By

vice ganda twitter post

Nagalit at pinuna ng Kapamilya TV host na si Vice Ganda ang isang website na nag-kakalat ng fake news tungkol sa kanya.

Sa kanyang Twitter account, nilagay doon ni Vice ang link ng website na may headline, “Vice Ganda Has This ‘Patutsada’ Against John Lloyd Cruz, Bea Alonzo?”

Pinuna ito ni Vice at sinabi niya sa kanyang Twitter,

vice ganda twitter post
“Kadiri tong FAKE NEWS na to!!!!!! Pero mas KADIRI yung mga sumakay!!!! Pero PINAKA KADIRI yung mga sumusweldo at kumikita sa FAKE NEWS!!!”

vice ganda twitter post 2

“Mga taong sa panahon ngayon chismis, paninirang puri at fake news pa din ang trabaho YUUUUICCCCKKK!!!! Mas mababa pa kayo sa TAE! Yan ang #FACT!” sinabi niya sa isa pang tweet.

Base sa article, nag-tweet umano si Vice na ang mga Kapamilya celebrities na lumipat sa ibang networks ay walang kinabukasan sa ibang networks. Kamakailan lang, sumali sa Kapuso network sina Bea at John Llyod. Sagot naman ng website na nakuha daw nila ang balita sa isang local tabloid.

Ayon sa website na pinuna ni Vice, sinabi daw umano niya na,
“Ang kapal ng mukha ng mga taong nagsasabing nauubos na ang mga Kapamilya Artist. Kung dyan kayo Masaya, bahala kayo basta sinabi ko na dati pa, wala kayong future dyan sa Kabila. Charot!”

Itinanggi naman ito ng komedyante na wala siyang ganoong post.

Advertisement

Source: PhilStar