Connect with us

Entertainment

K Brosas, naloko ng P7M sa pinapagawang bahay, contractor hindi mahagilap

Published

on

By

Naging emosyonal ang singer at komedyanteng si K Brosas sa sinapit ng kanyang pinapagawang dream house.

Matapos raw kasi nitong mabayaran ng halos P7 milyon ang contractor ay hindi na niya ito mahagilap.

Sa isang Instagram post, ikinuwento ni K na may kinontrata siya para gumawa ng kanyang bahay para makaiwas sa malaking bayarin sa upa ng townhouse at condominium unit.

“Ilang taon na po ang nakakaraan ng may kinontrata ako para gawin ang aking bahay dahil sa kagustohan kong umiwas sa malaking babayarin sa pagupa ng townhouse at condominium unit. Isipin nyo nga naman, sa ilang taong pagaartista ko, ngayon pa lang ako nagpapagawa ng sariling bahay,” caption nito sa post.

Pero nang mabayaran niya raw ito ng halos P7 milyon ay inabandona na nito ang nasabing bahay.

“Nakakalungkot lang na kahit malaking pera na ang nabigay ko at kung tutuusin tapos ko na ang pagbabayad sa buong halaga, mahigit kumulang 7 milyon.. inabandona pa ng pinagkatiwalaan ko ang nasabing bahay. Maiintidihan nyo naman siguro ako na pinaghirapan ko yung pera na galing sa dugo, pawis at kakulangan ng tulog. Wala e, kelangan nating mangarap.,” saad pa ng komedyante.

Paglalahad niya, nakiusap na siya at humingi ng tulong pero wala pa ring nangyari kaya napilitan na itong maghain ng reklamo laban sa hindi na pinangalanang contractor.

Advertisement

“Ilang beses akong nakiusap, umiyak at humingi ng tulong, pero wala pa ding nangyari. alam lahat ng kaibigan ko kung ilang beses nakong nag breakdown, napadalas uli ang anxiety attacks ko dahil sa sobrang stress.. masaya ako lagi sa trabaho ko pero lingid sa kaalaman ng iba pag hindi naka harap sa camera, grabe ang bigat at depression ko dahil sa pangarap kong bahay na para din sa anak ko.. Kaya napilitan akong maghain ng demanda kaninang tanghali sa tulong ng mga abogado ko at testigo ko,” kwento ng sikat na performer.

“Naniniwala pa din ako sa justice system natin. I hope justice will be served at the end of the day,” pahabol pa niya.

Nabatid na 35% lamang ng bahay ang nagagawa ng contractor kahit na nabayaran na ito ng buo sa loob ng isang taon.

Ipapamana raw sana ng komedyante sa kanyang anak ang nasabing bahay pero dahil hindi nagawa, balik sa umpisa ng pag-iipon si K Brosas para muling mapagawa ang bahay.

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *