Connect with us

Entertainment

Jeric Raval kay Aljur Abrenica: “I have nothing against you, kaya lang…”

Published

on

By

📷: ajravss/Instagram

Hot topic parin ngayon sa social media ang sexy actress na si AJ Raval at Aljur Abrenica.

Ito ay makaraang aminin ng aktres na anak ni action star Jeric Raval ang real score ng kanilang relasyon ni Aljur.

Kaya naman kinuhaan ng Pep.ph ng reaksyon si Jeric Raval kaugnay ng pakikipagrelasyon ng kanyang anak sa aktor na kahihiwalay lang sa asawa nitong si Kylie.

Isinalaysay naman ng dating action star ang naging unang pagkikita nila ni Aljur.

“Una kaming nagkita niyan sa PDEA office dahil inihatid niya ang anak ko. Dun ko siya unang nakausap at tatlong bagay lang ang itinanong ko sa kanya,” aniya.

“Una, nanliligaw ba siya sa anak ko? He answered me, ‘Yes po.’

“Second, kung ‘ikaw ba ay hiwalay na?’

“Third, ‘Ano kaya ang sasabihin ko sa biyenan mo [Robin Padilla] kung aksidenteng magkita kami?’” dagdag ng action star.

Advertisement

Nilinaw naman ng aktor ang kanyang dahilan kung bakit niya iyon natanong sa manliligaw ng kanyang anak.

“Kaya ko tinanong ‘yon dahil, unang-una, alam ko na anak ni Robin ang asawa niya.

“Pangalawa, magkaibigan kami ni Robin, kaya hindi mo maiaalis sa akin na medyo mahiya sa sitwasyon dahil ayokong isipin ng mga tao o ninuman na ang dahilan ng pagkakahiwalay nila o third party, e, ang anak ko,” paglilinaw niya.

Pinayuhan ng 90s acion star si Aljur na “ayusin” muna ang pakikipaghiwalay kay Kylie bago jowain si AJ.

“Sabi ko pa sa kanya, ‘I have nothing against you, kaya lang kaibigan ko ang biyenan mo. Kung in good faith naman ang panliligaw mo sa anak ko, well, then kailangan nasa ayos ang lahat.’ Gaya nga ng nasabi ko, hindi magiging masaya ang isang relasyon kung may natatapakan,” lahad pa ni Raval.

Kilala si Jeric sa pagiging protective father kahit na may 18 itong anak sa iba’t-ibang babae.