Connect with us

Entertainment

”Iconic Fashion Designer” sa Japan, pumanaw na dahil sa COVID-19

Published

on

Photo | Masaru Mizushima via cntraveler

Binawian na ng buhay si Kenzo Takada na kilalang “most fashion designer” sa Japan at founder ng kilalang Kenzo brand dahil sa COVID-19 na patuloy na umiiral sa buong mundo.

Namatay si Takada nitong Linggo, Oktubre 4 sa edad na 81 sa American Hospital of Paris kung saan siya na-confine.


Kinumpira ito ng isang public relations officer ng Kenzo’s brand, nang magbahi ito ng pahayag.

“It is with immense sadness that KENZO has learned of the passing of our founder,” the fashion house said in a statement. ” For half a century, Mr. Takada has been an emblematic personality in the fashion industry — always infusing creativity and color into the world.”

Nakilala ang naturang designer sa kanyang “signature floral prints” at ang kauna-unahang Japanese designer na nakipagsabayan sa prestiyosong Parish fashion scene.

Taong 1999 nang mag-retiro si Takada sa industriya ng fashion nang maibenta niya ang kanyang pinaka-glamorosong fashion brand sa LVMH o mas kilalang Louis Vuitton.

Position: Production Staff Years/background in Media works: 4yearsWhy chose this profession:Mass Communication helps me in building my personality and overcome my shyness. I can now see my improvement because I am now comfortable in speaking and socializing with people. Principle in life: Never give up on something you really want. It's difficult to wait but it's more difficult to regret.