Connect with us

Entertainment

Heart Evangelista, ininsulto sa hindi pagbubuntis: “Wala din yan kung hindi kayang magbuntis”

Published

on

By

Bagama’t nananatiling seksi at maganda, nakatanggap pa rin ng mga pang-iinsulto at pang-aalipusta mula sa mga bashers si Heart Evangelista.

Kasunod ito ng kumalat na TikTok video ni Heart na nakasuot ng bikini at nagtatampisaw sa tabing-dagat.

Marami ang humanga rito pero may mga mapanghusgang netizen pa rin na nagsabing bakit wala pa raw anak si Heart at Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero sa higit 6 na taon nilang pagsasama.

Heto ang sunod-sunod na pang-iinsulto ng mga basher kay Heart:

“Sayang lang ang ganda ng katawan hindi mabuntis ng asawa.”

“Grabe ang katawan uy parang hindi pa nagamit ng todo.”

“Swerte ng next husband ni Heart, parang ‘di masyadong nagamit ni Chiz, hahahaha!”

Advertisement

“Wala din yan kung hindi kayang magbuntis!”

Isang follower ni Heart naman ang nagbigay ng paalala kaugnay sa below-the-belt comments.

“Violent reminder that a woman’s body does not exist to create children nor to be owned by her husband. No woman is any less because she’s unable to bear a child. Violent kasi ulitin mo pa, mapapatay na talaga kita,” hirit ni Iris (@irisvicencio).

Nirepost naman ito ni Heart at naglagay ng caption na: “I’m not mad just furious how people think na need mo magkaanak para maging masaya. I am already a happy person and grateful, tama na ang pressure. Inspire each other nalang tayo.”

“Ok na sana lahat. stop telling me to get pregnant unless you really want to hurt me. Nobody knows the real struggle. Also may I add life is good people I love are fine and everything else in between is ok so bonus nalang if I do conceive. it’s my body,” hiwalay na tweet pa nito.

Advertisement

Masaya ngayon ang Kapuso actress sa takbo ng kanyang career. Mapapanood din siya sa isang Kapuso prime-time series na I Left My Heart In Sorsogon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *