Connect with us

Entertainment

Faith Da Silva, 20 walang itinanggi o inamin sa rumored relationship nila ni Albert Martinez, 60

Published

on

By

Walang itinanggi o inamin si Kapuso Aktres Faith Da Silva, 20 anyos tungkol sa relasyon nila ni beteranong aktor na si Albert Martinez, 60.

Sa comedy show na The Boobay and Tekla Show, hindi pinaglagpas ni Boobay at Super Tekla na tanungin ang aktres tungkol sa estado ng relasyon nito kay Albert.

Maalala na matagal nang nababalitaan ang “rumored relationship” ng dalawa.

“Iba yung relationship namin together. Komportable kami sa isa’t isa,” tugon ng young actress.

“Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level. He was really there to support me and guide me.

“Maalaga kasi talaga siya and very grateful ako na yung side na yun of him, e, nakita ko dahil hindi ko ine-expect na isang beteranong aktor, e, ganoon makitungo sa akin,” paliwanag pa ng dalaga.

Mababatid na kasama ng Faith si Alfred sa Las Hermanas na isang ang upcoming drama series ng Kapuso Network.

Advertisement

Source: PEP

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *