Connect with us

Entertainment

Cryptic post ni Kiko Estrada, patama nga ba kay Heaven?

Published

on

By

Usap-usapan ngayons a social media ang tila isang cryptic post ni Kiko Estrada sa kanyang Instagram stories.

Mukhang may pinatatamaan kasi ang aktor sa larawan ng isang ahas na kulay dilaw na ibinahagi nito.

Ilang linggo lang ang nakaraan ay umugong ang balitang hiwalay na sila ng kanyang nobyang si Heaven Peralejo dahil biglang nag-unfollow si Kiko sa dalaga.

Binura rin ng aktor ang mga retrato nila ni Heaven na magkasama, pero bukod dito ay wala nang ibang detalye na ibinahagi ang binata.

Ilang araw lang ang nakalipas ay nag-unfollow na rin ang aktres kay Kiko, burado na rin sa IG account nito ang mga sweet photos nila ng aktor.

Kapwa tikom ang bibig nila kaugnay sa umuugong na isyu.

Kaugnay naman nito, kinumpirma kamakailan ni Ogie Diaz na dating manager ni Heaven na may isang reliable source na nakapagsabi sa kanya na hiwalay na nga ang dalawa.

Maaalala na nito lamang nakaraang buwan nang isapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon matapos ang tatlong buwan na pagiging mag-on.

August 30, nang ibahagi ni Kiko na ipinagdiriwang nila ni Heaven ang kanilang 3rd monthsary bilang magkasintahan kung saan nagpalitan pa sila ng mga matatamis na mensahe sa isa’t-isa.

Advertisement

Samantala, maraming netizens ngayon ang nagsasabing si “Heaven” ang ahas na iyon sa post ni Kiko.



Kung ikaw ang tatanungin, si Heaven nga kaya ang pinatatamaan ni Kiko?