Connect with us

Entertainment

Claudine Barreto, tatakbong konsehal sa Olongapo

Published

on

By

Tatakbo bilang konsehal ng Olongapo City, Zambales ang batikang aktres na si Claudine Barretto.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (Pep.ph), kasama si Claudine sa lineup ng mga konsehal sa ilalim ng tiket ng talent manager at negosyanteng si Arnold Vegafria na tatakbo rin bilang alkalde ng lungsod.


Nabatid na sa Olongapo nakatira ang aktres sa halos buong pandemya at doon na rin ito kumuha ng residency.

Makikita sa official page ng Bangon Olongapo 2022 na kasama rin sa line-up para sa konsehal si Mr. World Philippines 2019 JB Saliba at iba pa.

Ito ang unang pagkakataong sasabak sa pulitika si Claudine.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *