Connect with us

Entertainment

Carlo Aquino, ngayon lang nakaranas ng matinding online bashing

Published

on

Photo| Instagram/Carlo Aquino

Naging matapat si Carlo Aquino nang sabihin nitong “roller coaster ride” para sa kanya ang nakaraang taon nang kamustahin ito ukol sa kanyang personal life.

Hindi na idinetalye ng aktor ang mga pangyayaring naging dahilan ng kanyang roller-coaster journey noong 2019 pero sinabi niya na first time nitong maranasan ang matinding bashing dahil wala naman aniya sa kanilang kapanahunan ang social media, bashing at hating.


“Nung time namin noon, wala naman social media, bashing and hating.

“First time ko maranasan yung ganoon, yung ganoong klaseng hate.

“Wala akong Twitter, ang meron lang ako, Instagram.

“Hindi ako masyadong ma-post. I only post kapag may mga show.”

Naging agaw-pansin sa social media ang IG story na pinost ng aktor dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay pinost nito ang larawan ng kanyang rumored girlfriend na si Trina Candaza matapos ang selebrasyon niya ng kanyang 34th birthday noong September 3.

Unang nakilala ang aktor sa Ang TV noong 1992-1995 at naging isang magaling na Kapamilya aktor.

Naging kilala rin ang tambalang CarGel nila ng dating girlfriend na si Angelica Panganiban.

Ngayon ay nakatutok ang aktor sa taping ng teleseryeng A Soldier’s Heart ng ABS-CBN.

Source: https://www.pep.ph/pepalerts/cabinet-files/149624/carlo-aquino-online-bashing-love-life-a734-20200225

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *