Connect with us

Entertainment

BREAK agad? Heaven unfollowed na sa IG ni Kiko Estrada, mga pictures nilang magkasama burado na

Published

on

By

NAG-BREAK KAAGAD?

Ipinagtataka ngayon ng mga netizens kung mag-on pa ba ang controversial couple na si Kiko Estrada at Heaven Peralejo.

Ito ay dahil napansin ng isang online user na naka-unfollow na si Heaven sa IG ni Kiko at burado na rin ang mga larawan nilang magkasama sa account ng aktor.

Pero si Heaven ay naka-follow pa rin kay Kiko at nasa Instagram account pa rin ng young actress ang dalawang posts niya kasama ang aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heaven Peralejo (@heavenperalejo)

Advertisement

Ang mga nakaantabay na netizens sa Instagram ng aktor ay nagtataka tuloy kung may pinagdadaanan ang kanilang relasyon.

Kaka-celebrate lang ng dalawa ng kanilang third anniversary nitong August 30.

Sa vlog ni Ogie Diaz, sinabi ni Kiko na naging opisyal na mag-on sila ng aktres noong May 30, 2021, tatlong buwan matapos ang hiwalayan nila mi Devon seron noong February.

Bago pa man umamin si Kiko sa totoong estado nila ni Heaven, namataan silang magkasama sa Boracay noong Hunyo.