Connect with us

Entertainment

Billy Crawford, proud sa pagiging hands-on mommy ni Coleen: “Y’all don’t know how much this woman gives!”

Published

on

By

Photo| Billy Crawford/Instagram

Ibinida ng sikat na TV host at aktor na si Billy Crawford ang sakripisyo ng asawang si Coleen Garcia at ang pagiging hands-on mommy nito sa anak nila na si Baby Amari.

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Billy sa kanyang Instagram post ang larawan ng kanyang misis habang natutulog at nagpapadede ng kanilang anak.

“Y’all don’t know how much this woman gives! I want Amari to see this when he grows up and realize how much mommy sacrificed for him. We both thank you mommy for being a wonderful mom and the best wife to a pasaway husband,” sulat sa caption ng appreciation post ni Billy.

Gusto raw niya na paglaki ni Amari ay malaman nito ang mga naging sakripisyo ng kaniyang mommy.

Kahit na tulog at halatang pagod ay kitang-kita pa rin ang kagandahan ng asawa ng aktor.

Iba’t-iba naman ang naging reaksyon ng mga netizens at mga kaibigan sa naging post ni Billy.

Komento ni Chito Miranda, “kaya kelangan natin bumawi everyday, forever.”

Advertisement

“Awww so Precious, Billy !! All Breastfeeding Moms like me can relate!! ( well 16 and 11 years ago pa ang ganyang moments ko of course! Ahhahaha) bravo, @coleen !!” sey naman ni Christine Babao.

“I have the same kind of photo of Cheska. Our wives are strong!” saad ni Guji Lorenzana.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.