Connect with us

Entertainment

BILLIE EILISH, NILAMPASO ANG RECORD NI TAYLOR SWIFT SA GRAMMY AWARDS

Published

on

Photo: The Economic Times

Lumikha ng kakaibang historical record ang 18 year-old singer na si Billie Eilish sa kakatapos lamang na 62nd Grammy Awards.

Nahakot ng Singer ang limang biggest awards sa Grammy na “Album of the Year”, “Record of the Year”, “Song of the Year”, “Best New Artist” at “Best Pop Vocal Album”.

Ito ay para sa debut mga kanyang album na “When We All Fall Asleep Where Do We Go?” at ang single hit niya na “Bad Guy”.

Nalampasan ni Bilie Eilish ang Grammy record ni Taylor Swift bilang “The youngest Album of the Year”.

Nanalo si Taylor at age 20 noong 2009 para sa kanyang album na “Fearless”.

Hindi makapaniwala ang singer na tinalo niya ang mahihigpit niyang kalaban na sina Bon Iver, Lana Del Rey, Ariana Grande, H.E.R., Lil Nas X, Lizzo at Vampire weekend.

Bukod sa Grammy Awards, nanalo na si Eilish ng two American Music Awards, two Guinness World Records, at tatlong MTV Video Music Awards. Meron na rin siyang 13 platinum at apat gold singles sa US.

Advertisement

Si Eilish ang pinakabatang artist na nag-uuwi ng top four categories ng Grammy Awards sa loob ng isang taon.

Via: Trainee Ronelyn Panlilio and Reyniel Perez

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.