Connect with us

Entertainment

BIDA NG DIE HARD NA SI BRUCE WILLIS, PINAALIS SA ISANG TINDAHAN SA LOS ANGELES DAHIL SA HINDI PAGSUOT NG FACEMASK.

Published

on

Bruce Willis
Larawan mula sa backgrid.com

Pinalabas si Bruce Willis ng pamunuan ng LA Rite Aid sa Los Angeles, California dahil hindi umano ito nakasuot ng face mask habang namimili.

Nagdulot umano ang actor ng pangamba sa ibang mga mamimili nang tumanggi siyang hilahin pataas ang bandanna na nakatali sa kanyang leeg upang matabunan ang kanyang ilong at bibig.


Dahil pinaalis, lumabas si Willis nang hindi bumibili sa nasabing tindahan bilang protesta.

Kinalaunan ay humingi  siya ng pasensya at sinabi sa People na siya’y nagkamali.  Hinikayat pa niya ang mga tao na panatilihin ang pagsusuot ng face mask.

“It was an error in judgment. Be safe out there everyone and let’s continue to mask up,” ani ng aktor.

Nakatira si Bruce Willis at ang kanyang asawa’t mga anak sa California na kasalukuyang nagtatala ng ikatlong pinakamataas na bilang ng kaso ng pagkamatay dahil sa COVID sa buong Estados Unidos.

 

Mula sa www.thesun.co.uk/

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *