Connect with us

Entertainment

BEA ALONZO AT LOLA NI DOMINIC, MAGKA-LOOK-A-LIKE; #BEADOM ‘MEANT TO BE’ NA NGA BA?

Published

on

By

MAGKAMUKHA NGA!

Naaliw ang mga netizens sa side-by-side photo ni Bea Alonzo at ng lola ni Dominic Roque na si Zeny Tamayo noong kabataan pa nito.

Mapapansin sa litrato ang pagiging mestiza ng dalawa, maging ang hugis ng mukha, labi at ilong.

Reaksyon ng mga fans, baka ‘destiny’ nga ang mag-couple.

Ayon kasi sa mga kasabihan ng mga matatanda, karaniwang nakakatuluyan o nai-in love ang mga lalaki sa mga babaeng kamukha ng kanilang nanay o lola.

Umani naman ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens:

“Ganon daw kapag may kamukha yung gf/bf mo na kamag anak/ka pamilya mo… Kayo daw ang magkakatuluyan😍🙏😇”

Advertisement

“Congrats bea you finally found your soulmate. 😍”

“Ang ending aning salidaa igsoon diays Bea ug Dom. Nabuwag pagkabata.”

“Twist malayong kamag anak ni Dominic si Bea chourrr.”

Si Grandma Zeny ay nanay ni Beth Tamayo.

Via: Bandera