Connect with us

Entertainment

Bea Alonzo at Dominic Roque, may lumabas na sweet photo sa social media

Published

on

By

Bea-Alonzo-at-Dominic-Roque
Photo by Raniel Resuello Instagram

Ang bagong kapuso star na si Bea Alonzo at Dominic Roque ay may sweet na photo na lumabas sa social media. Sa nasabing photo, makikita na magka holding hands ang dalawa, habang magka tabi ng upuan. Naging trending ang photo matapos ito mapansin ng mga BeaDom fans.

Sa nasabing photo na pinost ni Raniel Resuello sa Instagram, kitang-kita na magkahawak kamay ang dalawa.


Ang mga taga-suporta ng dalawa, di napigilang magpahayag ng kanilang “kilig vibes”. Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Ang lakas ng heartbeat ko po”

“awwww. kakakilig naman yung holding hands”

“Sana ol holding hands”

“Bagay na bagay talaga silang dalawa, omg!

“Mapapa SANAOL kana lang talaga sa pa-holding hands.”

Kamakailan lamang nag post din si Dominic Roque kasama si Bea ng isang sweet na short video, na nakaupo na magkatabi. Naka post ito sa instagram Stories ng aktor sa ika- 31st niyang kaarawan noong July 20. Ang mga BeaDom fans naman ay di magka mayaw sa naturang viral clip.

Maaalala din sa isang panayam na isiniwalat ni Bea ang tunay na score sa pagitan nila ni Dominic. Ayon kay Bea, kasalukuyan silang nag de-date ngunit wala pa silang ekslusibong relasyon.

Si Bea Alonzo, na ipinanganak noong October 17, 1987, ay isa sa mga sikat at matagumpay na aktress sa Pilipinas. Nagsimulang sumikat si Bea sa kaniyang mga pelikula kasama si John Lloyd Cruz. Naging maugong din silang celebrity lovers nila Gerald Anderson at Zanjoe Marudo. At ito lamang July 2021, si Bea Alonzo, ay opisyal nang naging kapuso artist.

Source: kami.com.ph

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *