Connect with us

Entertainment

Back-to-back win: Kisses Delavin, muling nanguna sa Miss Universe PH Video intro challenge

Published

on

By

Photo|Kirsten× metawin/Twitter

Muli na namang nasungkit ng Kapuso star na si Kisses Delavin o Kirsten Danielle Delavin ang Top 1 ng video introduction challenge sa Miss Universe Philippines 2021.

Ang aspiring beauty queen din ang may pinakamaraming boto at nanguna sa headshot challenge ng kompetisyon.

Sabado (Agosto 7) nang ianunsyo ng Miss Universe Philippines organization sa kanilang official Facebook page ang top 15 kandidatang nanguna sa dami ng boto para sa naturang challenge.

“Here are the delegates who topped our Video Introduction Challenge! Congratulations, ladies!” saad sa caption ng Miss Universe Philippines Facebook page.

Pumapangalawa naman kay Kisses ang Tiktok star/content creator na si Rousanne Marie Bernos at pangatlo si Maureen Christa Wroblewitz.

Nakasiguro na rin siya ng puwesto sa Top 75 candidates na patuloy na maglalaban para sa korona.

Advertisement