Connect with us

Entertainment

Angel sa pagpapakasal: Ayusin ko muna sarili ko. Mag-aaral ako magluto para hindi ako isauli ng asawa ko…

Published

on

Angel Locsin
Photos: Angel Locsin/IG

Ibinahagi ni Angel Locsin sa isang panayam sa podcast na “MattRuns” ni Matteo Guidicelli, na naghahanda daw muna siya ngayon sa married life.

“Ngayon talaga, lie low talaga ako. Hindi ko masabing stop kasi bilang artist, hahanap-hanapin mo rin talaga. Pero sa ngayon, lie low muna ako… Gusto ko lang talagang ramdamin at i-absorb kung paano mag-prepare para sa isang married life,” salaysay ng aktres.

Inamin din ni Angel sa nasabing podcast na naging breadwinner siya sa matagal na panahon.

“I think nasa okay na place ako ngayon. For the longest time kasi, ang iniisip ko kumita ng pera. Breadwinner ka, so ganu’n ang iniisip mo. Pero nakalimutan ko yung sarili ko.”

Kaya’t sa ngayon nais daw munang ayusin ni real life Darna ang kanyang sarili biglang paghahanda sa pagpapakasal.

“Ngayon natututo ako kung paano gumawa ng budget ulit. So siguro, ako muna. Ayusin ko muna yung sarili ko.”

“Ayusin ko yung kasal ko. Mag-aaral ako magluto para hindi naman ako isauli ng asawa ko sa tatay ko,” sey ni Angel.

Advertisement

Source: Bandera