Connect with us

Entertainment

Ang kwento ni celebrity DJ Karen Bordador habang siya’y nasa loob ng kulungan ng halos 5 taon at ang kanyang pangarap para sa kinabukasan

Published

on

By

Karen-Bordador-story
📷 @KarenBordadorOfficial Facebook

Nakalabas na at pinawalang sala ang Celebrity radio DJ, model, at TV host Karen Bordador sa kasong conspiracy sa pagbebenta ng illegal na droga; ang sinampang kaso sa kanya noong 2016.

Matapos makulong ng halos limang (5) taon, naging advocate support siya ng mga Persons Deprived of Liberty o (PDLs) sa loob ng kulungan, at patuloy pa ring sumusuporta sa kanyang adbokasiya kahit siya ay nakalaya na.

Ibabahagi niya rin online, ang kanyang naranasan sa loob ng kulungan.

Wrong place at the Wrong time

Mayroong magandang business at career si Karen bago nangyari ang insidente. Bukod sa kanyang radio show, marami siyang offers para sa mga endorsements, pelikula at pati na rin mga influencer project.

Sa taon rin na yun, nakatanggap ng ilang awards “for innovation” ang kanyang online business sa retail industry. Matatandaang sa drug test na isinagawa sa kanya, negatibo naman ang resulta nito. Sadyang nahuli siya sa maling lugar sa maling oras.

Bago siya pakawalan at hatulan bilang “not guilty,” nag-struggle si Karen ipaglaban ang kanyang kalayaan. Patuloy rin na-dedelay ang kanyang mga trials dahil sa pandemiya. Ngunit, sa pamamagitan ng kuha ng CCTV footage at sa mga testimony ng “key eyewitnesses” napatunayan ni Karen ang kanyang pagiging inosente.

Hunyo 15, 2021 nang siyang nakalaya.

Advertisement

Batay sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi ng kanyang lawyer na si, Atty. Aaron Tolentino na, “the paramount part of Karen’s life after her detention –just short of 5 years in jail – is that she walks as a free person now, reunited with her family who suffered a lot because of these false accusations.”

Karen-Bordador facebook post

📷 @KarenBordadorOfficial Facebook

“Finally, Karen can prove to the world that despite the misery she went through, she is an innocent person who can walk upright. She has also forgiven the people who condemned her, although they do not know the whole truth. It is a privilege knowing this very persistent and resilient lady,” dagdag niya.

Malalaman ang ibang detalye sa kanyang Vlog.

The life of the disadvantaged

Lahat ng kanyang pinag-hirapan at pinag-sikapan, nawala nang napunta siya sa kulungan. Dahil sa maling paratang, nagkaroon siya ng mga “traumatic experiences” siya’y napahiya sa publiko, at labis siyang pinuna sa kasong, hindi niya ginawa.

“Being imprisoned for many years, I have fully experienced the life of the disadvantaged,” saad ni Karen ayon sa ulat ng Manila Bulletin.

Mga bagay na kadalasan nakikita at tinuturing nating normal, hindi naranasan at natatanggap ni Karen habang siya’y nasa loob ng bilanggo.

Nagdusa rin ang kanyang pamilya ng mga panahong siya ay nakakulong.

An advocate of support for PDLs

Pero ngayon, nang siya’y nagbalik, nasasabik siya sa mga oppurtunidad mula sa entertainment industry. Kamakailan, gumawa rin siya ng isang blog kung saan doon niya sinusulat ang kanyang mga pananaw, www.KarenBordador.com ang link.

Advertisement

Nasa YouTube na ang kauna-unahang vlog ni Karen, kung saan doon makikita ang kanyang unang hakbang palabas ng Pasig City Jail.

Nais niya rin na magbigay ng awareness sa mga paghihirap na nararansan ng mga PDLs habang sila’y nasa loob ng kulungan at magbibigay rin siya ng mga mungkahi upang matulungan sila sa kanilang muling pagbabalik sa komunidad.

“I decided to act as a spokesperson while behind bars for those who couldn’t speak for themselves,” wika ni Karen.

“I did my best to communicate to the jail officers the needs of fellow PDLs, as well as how to improve the rehabilitation programs and facilities. I tried my best to contribute my talents and skills to make my time inside productive and meaningful. I never lost hope and remained a dreamer throughout my detention,” aniya.

“My experience has exposed me to many PDLs who have been victimized, wronged, or neglected,” ibinahagi niya. “I am pushing to improve their condition with faster case resolutions, more access to resources, and holistic education.”

(Source: Manila Bulletin Entertainment)

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *