Connect with us

Entertainment

Alden sa mga wild comments ng netizens: gusto nila magpaanak sa akin

Published

on

By

Inamin ni Kapuso actor Alden Richards na nahihiya raw siya sa ilang comments ng netizens sa kanyang sexy abs photos sa Instagram.

Maraming fans kasi ang nabighani sa magandang pangangatawan ngayon ng aktor.

“Namula ako dun, ah!” pag-amin ng aktor sa PEP Spotlight.

Sinabi din ni Alden na ang pinaka wild reaction daw ng kanyang followers ay yung nagsabi sa kanya nang “Anakan mo ako, Alden.”

Pero para sa binata, itinuturing niya ito bilang compliment sa kanyang pinaghirapang workout.

“Pero siyempre, free opinion naman. Kumbaga, it shows na okay po iyong result.”

“Kasi siyempre, when you work out, when you exert effort, personally, reward yung you see results of your hard work,” sey ng aktor.

Advertisement

Aniya pa, nagpapasalamat naman siya sa kanyang mga fans: “Sobrang thankful ako sa kanila. Very positive naman ang comments nila.”

(Source: PEP)

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *