Connect with us

Entertainment

AKLANON BEAUTY, SASABAK SA MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2020

Published

on

By

Kalibo, Aklan – Sasabak sa isa sa pinaka prestihiyosong beauty pageant sa Pilipinas ang Aklanon beauty na si Christelle Anjali Abello.

Si Christelle ay purong Filipina na anak nina Chris Gerardo Abello ng Kalibo, Aklan at April Layaban Bayacal ng Silang, Cavite.


Pinanganak siya sa California at nagtapos ng kursong Bachelor of Arts in Communication.

Sa interview ng Radyo Todo, kinumpirma ng kanyang amang si Chris Abello na isa ang kanyang anak sa 52 kandidata na maglalaban sa korona ng Miss Universe Philippines.

February 13 nila nalaman na isa siya sa mga napiling kandidata para sa Miss Universe Philippines at kapag nanalo ay sya ang magrerepresent sa Philippines sa Miss Universe.

Nauna na itong sumali sa Miss World Philippines noong 2015 kung saan nakapasok siya sa Top 13.

Lumabas na rin ang 25 anyos na beauty queen sa mga advertisements na pinalabas sa TV, nakasama sa pelikula ni Kim Chui at Xian Lim at napanood na rin sa Eat Bulaga.

Unang nahilig sa beauty pageants ni Christelle noong high school pa lamang kung saan sumali ito sa Binibining Pilipinas USA sa California kung sya ang nanalo.

Balak ni Christelle na umuwi sa Aklan para humingi ng suporta sa mga Aklanon sa kanyang Miss Universe Philippines Journey.

Sa ngayon ay nag uumpisa na ang kanyang training sa Manila.

Continue Reading
Advertisement

1 Comment

1 Comment

  1. Evelyn B. Cervas

    February 18, 2020 at 10:32 pm

    Go go go proud Aklanon here.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *