Connect with us

Entertainment

AGT Contestant na may 2% chance of survival na mabuhay😱, naka kuha pa ng Golden buzzer!🥳

Published

on

Nightbirde

Natigilan at naantig si Simon Cowell ng America’s Got Talent (AGT) sa ganda at mala-anghel na tinig ni Jane Marczewski. Napabilib din ang mga hurado ng AGT sa mensahe at tapang ni Jane sa pakikipag laban sa sakit na cancer.

Ang original song na “It’s OK” ang inawit ni Jane sa naturang timpalak. Ang kanyang awitin ay tungkol sa isang taon ng kanyang buhay.


Ilang segundong natigilan ang lahat nang matapos ang kanyang awitin at nakakuha si Jane ng standing ovation mula sa mga manonood at sa mga hurado ng patimpalak.

Sinabi ni Howie Mandel, isa sa mga hurado ng AGT ang kahalagahan ng “authenticity” sa isang singer, si Jane ay nagpamalas ng kanyang “authentic” performance bilang mang-aawit.

Sinundan naman ito ng komento ni Simon na talaga namang naantig at pigil ang emosyon dahil sa mensaheng nilalaman ng awitin ni Jane.

“Absolutely stunning! I totally agree with what Howie said about authenticity. There was something about that song and how you casually told us what you’re going through” saad ni Simon.

Lalo pang napahanga si Simon nang sumagot si Jane na ” You can’t wait until life isn’t hard anymore before you decide to be happy”

Bagaman talagang humanga si Simon sa karakter at sa husay sa pag-awit ni Jane, hindi nya ito binigyan ng “yes”, sa halip, binigyan siya ni Simon ng “Golden buzzer!”.

Nightbirde AGT

Photo by America’s Got Talent

Ayon kay Jane, kumalat na din ang cancer sa kaniyang baga, spine at liver at binigyan na lamang siya ng 2 percent na tyansa na mabuhay.
Hindi siya kinakitaan ng lungkot o kawalan ng pag-asa, bagkus masaya pa rin si Jane.

Nakangiti niyang sinabi na” Two percent is not zero, Two percent is something and I wish people knew how amazing it is”.

Kilala rin si Jane sa pangalang Nightbirde bilang isang mang-aawit. Tunghayan ang kanyang nakakaantig na performance.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *