Connect with us

Entertainment

Agot, Pokwang, pinuna ang engrandeng kasal ng kongresista: Ang class ng rep. ng mga drivers ha, edi wow! BONGGA KA DAI!

Published

on

By

PINUNA ng ilang celebrities ang engrandeng kasal ng isang kongresista sa Balesin Island Resort sa Polilio, Quezon na si Congresswoman Claudine Diana “Dendee” Bautista.

Si Bautista ay partylist representative ng Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER.

Maraming netizens rin ang nadismaya sa kumakalat na litratro dahil “insensitive” at “kawalan ng malasakit” daw ang magarbong kasal ng kongresista maging ang gown nito.

Retweet ni Agot sa wedding photos ni Bautista: “That gown alone can feed hundred of families of displaced drivers. And you’re representing which sector again, Cong. Claudine Bautista.”

Nagbigay din ng komento ang komedyanteng si Pokwang sa sosyal na gown ng kongresista.

“Ok ano na? ang class ng representative ng mga drivers ha… naka Michael Cinco na wedding gown… edi wow!!!

“BONGGA KA DAI!! BONGGA KA DAI!! Beep! Beep! tabiiiiiii!! ang masagasaan edi sorry…” banat ni Pokwang.

Advertisement

“Grabe si Ate na representative ng mga drivers. Baka naman me accomplishment siya during pandemic, pakilatag ang resibo,” tweet ng talent manager na si Ogie Diaz.

(Via: Bandera)

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *