Connect with us

Entertainment

Korean Star Eugene I love “Sinigang Mix” 😋

Published

on

eugene korean star

Naalala niyo pa ba si Kim Yoo Jin o mas kilala bilang Eugene? Kung medyo blurry na memory niyo, tulungan kitang maalala siya. Si Eugene ay bumida sa isang legendary na Koreanovela na pinalabas sa ABS-CBN noong 2005, naalala niyo na?

Ang title ng Koreanovela ay “Save the Last Dance For Me” kung saan sya ang gumanap sa karakter ni Sandy, simula noon sya ay nakilala at gumawa ng pangalan sa Pilipinas at naging paboritong Korean actress ng mga Pilipino.


Napili rin siya ng ating Department of Tourism (DOT) para ipromote ang Pilipinas sa South Korea at nag-appear sa noontime show na Wowowwee noong 2006 para i-promote ang kanyang Koreanovela pati na rin ang proyekto niya kasama ang DOT. (napaka-astig mo eonnie!)

Teka hindi pa tapos, noong 2008 bumalik si Eugene sa Pilipinas para i-film sa Boracay ang kanyang movie na pinamagatang Island.

Ang dami niya nang nagawa diba? Pero para sa mga Pinoy na Eugene fans diyan, may isa pa kaming trivia para sa inyo.

Alam niyo ba na may “Sinigang sa Sampalok” mix at mga buto ng atsuete si Eugene sa kanyang refrigerator? LOL😂.

Sa isang Korean Cooking Show, “Please Take Care of My Fridge” where “Korea’s top chefs battle off to create the best gourmet dishes from left overs” naging guest doon si Eugene.

Doon nakita ng mga hosts ng show ang “Sinigang Mix Pack” ni Eugene at sila’y na puzzled kung ano yun. Tumawa si Eugene at sinabi na mula ito sa Pilipinas at kinompera ang lasa sa kimchi jigae. Parehas daw kasi silang may tart, soury at savory flavor.

eugene-sinigang-mix

“If you eat it with your eyes closed, it’s similar to kimchi jigae,” sabi niya.

At kung tayong mga Pinoy ay gumagamit ang anatto seeds o atsuete para sa ating menudo at afritada para maging maganda ang kulay, ginagamit naman ito ni Eugene para makagawa ng red rice. (cute, cute niya 😋).

Pinaliwanag niya sa mga hosts kung paano gumawa ng red rice at pinatikim ito at namangha sila sa sarap ng red rice.

Eugene Red Rice
Source: CosmopolitanPH

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *