Connect with us

Entertainment

Ang pagbabalik ni Darna? Angel, may balik-alindog goals; sasabak na sa pagdidiyeta

Published

on

OPLAN BALIK-ALINDOG program ngayon si Kapamilya Actress Angel Locsin.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Angel ang kaniyang fitness journey.


“Mukha siyang konti because I’m on a 800-calorie diet and according to my nutritionist … ‘yun ang kailagan to achieve my goal,” pagbabahagi ng aktres.

“So please bear with me and wish me good luck,” dagdag pa nito.

Kung matatandaan, taong 2019, may mga netizens na nambash sa katawan ni Angel.

Sinagot naman ito ng aktres, “may mga bagay kasi na hindi mo dapat gawin sa kapwa mo. Kung ang taong ito comfortable siya sa ginagawa niyang ‘yan, ayaw ko mag-deal sa mga ganu’ng klaseng tao. Kasi sad ang life niya. Kasi ako, wala akong problema.”

“Bakit ikaw ang dami mong isyu? Ako nga, walang isyu, e. Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to. “E, ikaw, okay ka ba?” giit ni Angel sa isang panayam.

Ipinaliwanag rin ng aktres na nagkaroon siya ng spine injury noong 2015 rason kung bakit hindi niya nagagawa ang ibang bagay gaya ng pagwo-workout.

“Noong bumalik ako ng workout, umiyak ako, e. Naramdaman ko ‘yung mga hindi ko na puwedeng gawin. Dati kasi feeling mo superhero ka talaga, kaya mong gawin lahat.”

“Kailangan mong harapin na iba na. Hangga’t hindi mo natatanggap ‘yon, hindi ka mag-mo-move forward kasi, eh,” paliwanag ni Angel na kilala ng mga fans na gumanap noon bilang si Darna.

Position: Production staff Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession:It’s a zeal for reaching out through photography, communicating whether written and spoken. Principle in life: Proverbs 3:5-6: “Trust in the LORD with all thine heart; & lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge Him, & He shall direct thy paths.”