Connect with us

Entertainment

Jodi Sta. Maria, Ga-graduate na matapos “igisa” nang higit 3 oras sa kanyang final defense

Published

on

Jodi-Sta-Maria
Photo by Twitter @JodiStaMaria

Tulad ng ibang mag-aaral na malapit nang magtapos sa kolehiyo, hindi rin naging madali  sa magaling na aktres na si Jodi Sta. Maria na sumalang din sa isang thesis defense. Ang matagal at nakakapagod na thesis defense ay nag resulta naman ng tagumpay.

Noong Sabado, inihayag ni Sta. Maria sa kanyang social media pages na naipasa na niya ang kanyang final defense nang hapon din na iyon at sa wakas ay naka set na para sa pagtatapos.


Si Jodi sa edad na 38 ay nag-aral ng kursong BS Psychology sa Southville International School and Colleges simula pa noong Hunyo 2017.

“I wanted to share this with all of you! I passed my final defense this afternoon. Being grilled for more than three hours was no joke. But I must say the sleepless nights, the sacrifices, the hours spent infront of the computer to source out materials for my paper, were worth it. Marching soon! ” saad ni Sta. Maria.

Jodi Sta Maria Twitter

Dagdag aniya “I want to thank everyone who prayed for me and those who sent messages of encouragement. Maraming salamat! Malapit na ang graduation! ”

Sa mga nakalipas na taon, ipinahahayag ni Jodi ang mga milestones sa kanyang pag-aaral kabilang dito ang pagiging consistent dean’s lister. Nasabi rin niya na nais nitong magpaka dalubhasa sa Oncology, pagkatapos sa kolehiyo.

Sa nakalipas na apat na taon, pinag sasabay ni Jodi ang kanyang pag-aaral at ang kanyang mga papel sa telebisyon at pelikula.

Noong 2017 hanggang 2021, kabilang siya sa mga teleserye at pelikula na “Sana Dalawa Ang Puso”, ” Sino Ang May Sala?”, “Ang Sa Iyo Ay Akin,” at Clarita.

Source: ABSCBNNews

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *